top of page
Search

REDDITO DI CITTADINANZA/EMERGENZA - AIUTO SPESE ALIMENTARI

Ayon kay Nunzia Catalfo, minister of work and social politics, ang tulong mula sa gobyerno para sa mga mamamayan ay PAG-IIGTINGIN sa darating na buwan ng Abril.



ree

Kasalukuyang pinag-uusapan, pinagdidiskusyunan at kailangang mapagkasunduan ang mga SUSUNOD NA HAKBANG ng gobyerno upang tulungan ang mga nangangailangan: mga trabahador sa lahat ng sektor, kabilang na ANG MGA COLF/BADANTE na kasalukuyang hindi sakop ng naunang Decreto "Cura Italia", mga negosyante, mga may partikular na klase ng kontrata tulad ng on call at collaborative, mga free lancers at isinusulong ring maabot ang mga nagtatrabaho "in nero".


Narito ang mga mungkahi o PROPOSALS na ating aabangan at malalaman kung maipapatupad sa buwan ng Abril:


- posibleng pag-extend ng Cassa Integrazione na sa kasalukuyan ay 9 weeks lamang

- pagbukas ng Cassa Integrazione para sa mga trabahador na kahit 1 araw pa lamang nagtatrabaho sa kumpanya

- pagpapalawak ng pagaapruba ng REDDITO DI CITTADINANZA/EMERGENZA sa mas maraming mamamayan para sa buwan ng Abril at Mayo


Ang lahat ng ito ay nasa ilalim pa nang pag-aaral na KAILANGAN PANG MAAPRUBAHAN bago maipatupad. Inaasahan na kasama ang mga ito sa mga pagbabagong ihahatid ng "Decreto Aprile"..


Samantala, ang AIUTO SPESE naman o tulong para sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilya, tulad ng mga pagkain, ay kasalukuyan nang inoorganisa katulong ang mga boluntaryo ng mga asosasyon para maipamahagi ang mga ito sa lalong madaling panahon. 400 milyon ang budget ng gobyerno na hinati-hati sa bawat munisipyo na ngayon ay ginagamit ng pamunuan ng bawat comune para maihatid ang tulong sa lahat ng mamamayan na nangangailangan sa kanilang sinasakupan.



Narito naman ang mga kasalukuyang ipinatutupad na dala ng Decreto Marzo "Cura Italia:






***

Kung nais humingi ng tulong para sa sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:


1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures in PDF format and white background


2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:

  • Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30

  • Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30

3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message 4. Tumawag sa:

  • Milan - 366 5098458

  • Padova - 389 6365056

sa office hours ng opisina.


Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.


Biyahero CAF Patronato

"There is always a BiyaHero for you!"




 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page