CONGEDO PARENTALE ORDINARIO vs. STRAORDINARIO - ano nga ba ang pagkakaiba ng mga ito?
- BiyaHERO
- Mar 23, 2020
- 2 min read
Updated: Mar 28, 2020
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga Covid19 cases ngayon sa Italya at sa paglabas ng bagong ordinansya kung saan isinaad na patuloy pa ring magbubukas at magiging operatibo ang ilang mga negosyo, gayun na rin ang pampublikong transportasyon, mga bangko at post offices, mas dumarami ang mga trabahador na nag-aalala sa patuloy nilang paglabas para magtrabaho.
Marami ang mga magulang na nais pumirmi sa bahay lalo na at sila ay may mga anak na ayaw nilang malagay sa peligro ang kalusugan. Para sa mga operai, impiegati, dirigenti, maaaring mag-request ng Congedo Parentale. Ito ay work leave nai ini-aapply upang maalagaan ang anak na may hindi hihigit sa 12/16 ang edad.
(Batid po namin ang mga "reklamo at hinaing" ng mga nagtatrabaho bilang COLF/Badante. Alam po namin na hindi makatarungang wala man lang benefits na isinaad sa Decreto "Cura Italia" na inilabas nitong buwan ng Marso para sa mga domestici. Sa ngayon ay isinusulong ng mga sindacati na magkaroon rin ng tulong para sa sektor na ito. Inaasahan na sa paglabas ng bagong decreto sa buwan ng Abril ay magkaroon na ng batas na makakatulong sa lahat ng nangangailangan.)
Laman ng Decreto "Cura Italia" ang Congedo Covid19 o Congedo Parentale Straordinario. Ano nga ba ang kaibahan nito sa Congedo Parentale Ordinario? Narito ang mga madalas na katanungan:

Paano ito i-apply?
Mag e-mail sa: caf.raccolta@biyahero.it ng mga sumusunod na details/documents:
1. SUBJECT: SURNAME NAME - Congedo Parentale Ordinario or Congedo Parentale Straordinario (kung alin man ang nais i-apply)
2. Isulat ang mga sumusunod na details:
Address:
Cell. no.
Date of last application of Congedo Parentale:
Dates kung kailan gustong i-apply ang Congedo
3. I-attach ang mga documents (in PDF form kung maaaari)
carta d'identità ng mga magulang
codice fiscale ng mga magulang at ng bata
busta paga ng trabaho kung saan ito ini-aapply
SPID or Codice INPS
Maaari din kaming ma-contact sa mga sumusunod na paraan:
Biyahero CAF Patronato live chat - www.biyaheroservices.com
Facebook Page message - Biyahero CAF Patronato
Thru call - 366 5098458 or 388 8778453






Hello po Sir Raymond! Dipende po kung ilang taon ang mga anak nyo at kung nagamit ny na ang congedo parentale sa knila. pwede nyo po kaming tawagan para po mas maevaluate nang maayos ang inyong sitwasyon: 366 5098458/ 388 8778453
Ciao po, hindi ko po alam dito sa dalawa ang i a apply ko, nagsarado po ang resto cinese na pinagtratrabahuan ko pero hindi po nila ako tinanggal,may tatlo po akong anak puro sila minore.saan po sa dalawa ang pwd kung i apply?