Disability LEGGE 104 - extended to 12 days work leave for March and April
- BiyaHERO
- Mar 21, 2020
- 2 min read
Para sa mga pamilya na may membrong may recognition ng invalidity, maaaring humingi ng leave sa trabaho gamit ang Legge 104, imbis na 3 araw lamang ay magiging hanggang 12 araw para sa buwan ng Marso at 12 araw muli para sa buwan ng Aprile.
Para gawin ito ay kailangan lamang makipag-usap sa employer kung ilan at kulang anong period gagamitin ang benefit na ito. Hindi na kailangang i-submit pa sa INPS.
Ano ang Legge 104?
Ito ay batas ayon sa "art. 3 comma 3, Legge 104/1992" na nakalaan sa mga tao na may recognition of 100% Disability at sa pamilyang nangangalaga sa kanya. Isa ang "3-day monthly paid work leave" sa mga benefits na maaaring makuha dito.... ngunit hindi lamang ito, maaari ding makamit ang mga sumusunod:
1. Financial Help
Maaaring makatanggap ng Indennità di Accompagnamento (makukuha habang nabubuhay ang taong may invallidity recognition) o Indennità di Frequenza (makukuha habang nag-aaral o may training ang taong may invalidity recognition)
2. Fiscal Benefits
Sa pagbili ng sasakyan ay discounted ang tax nito at maaari pang i-declare ito sap ag-submit ng 730/Unico at magkaron ng detrazione ng 19%
Exemption sa pagbabayad sa Trapasso at Bollo ng Macchina yearly
May mga negosyo din na nag-ooffer ng discounted tax sa pagbili ng electronic devices na makakatulong sa maayos na pamumuhay ng taong may disability recognition. Maaari itong gamitin sa pagbii ng computer, printer or iba pang electronic gadgets.
Mas mataas ang detrazione sa ISEE at sa Dichiarazione 730/Unico kung may kapamilyang may disability recognition
3. Congedo Parentale for children with disability
Sa inaprubahang “Decreto Cura Italia”, walang limit ang edad ng anak na may disability para makapag-apply ng congedo parentale hanggang 15 days.
4. Congedo Straordinario ng 2 taon
Maaaring magamit ng taong may recognition ng disability with Legge 104 ang maximum of 2 years na paid work leave sa kanyang trabaho. Maaari din itong gamitin ng kanyang magulang o kamag-anak na sa kanya ay nag aalaga. Pwede itong kunin ng buo, hatiin o kunin ang ilang buwan lamang o lingo. Habang nabubuhay ang taong may recognition of disability ay valid ito.
5. Special sticker for disabled
Maaari itong kunin sa Munisipyo kung saan nakatira. Ang lahat ng may sticker na ito ay may reserved parking space sa buong Italya.

***
Kung nais humingi ng tulong para sa sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:
1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures
2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:
Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30
Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30
3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message
4. Tumawag sa:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
sa office hours ng opisina.
Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.
Biyahero CAF Patronato
"There is always a BiyaHero for you!"






Comments