VOUCHER BABYSITTER - ano nga ba ito?
- BiyaHERO
- Mar 26, 2020
- 2 min read
Updated: Mar 27, 2020
Ayon sa Decree "Cura Italia" 17 marzo 2020 art. 23, dahil sa biglaang pagsasara ng mga eskwelahan, naglabas ng BONUS BABYSITTER ang gobyerno bilang tulong sa mga magulang na patuloy na nagtatrabaho.

Ngunit marami ang nalilito kung ano talaga ito. Narito ang mga ilang katanungang aming natatanggap:
mayroon akong anak, pwede ba kaming mag-apply nito?
nawalan ako ng trabaho, pwede ba akong kumuha ng bonus babysitter?
ako ay isang babysitter, pwede ba akong mag-apply nito?
ang sagot po sa mga katanungang ito ay HINDI.
Ano nga ba ang Voucher Babysitter?
Ang Voucher Babysitter ay ini-aapply ng employer at hindi ng mismong worker. Ito ay tulong na hanggang 600 euros (1.000 euros kung nagtatrabaho sa healthcare sector) na nakalaan sa mga working parents na may anak below 12 years old at hindi maaaring tumigil sa pagtatrabaho ngunit hindi alam kung kanino paaalagaan/ iiwan ang kanilang anak (dahil na nga parehong mag-asawa ang patuloy na nagtatrabaho).
Ngunit hindi ito basta iniaapply: kailangan munang i-declare ang regular na pag-hire o "assunzione" ng babysitter sa pamamagitan ng Libretto Famiglia (ayon sa INPS circular 24 march 2020, no. 44) para makuha ang bonus na ito.
Ito ay applicable sa mga laborers na nagtatrabaho sa private sector (operai, impiegati, dirigenti) at free lancers.
Hindi ito maaaring isabay ng application kung isa o parehong magulang ay may natatanggap sa Cassa Integrazione, Disoccupazione at Congedo Parentale.
***
Kung ikaw ay qualified para makatanggap ng benefit na ito at nais humingi ng tulong para sa sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:
1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures (kung maaari ay PDF format, white background).
2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:
Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30
Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30
3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message
4. Tumawag sa:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
sa office hours ng opisina. Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato. Biyahero CAF Patronato "There is always a BiyaHero for you!"






Comments