top of page
Search

Mabilis na paliwanag - DECRETO "CURA ITALIA"

Bagama't paulit-ulit na ibinabalita sa telebisyon, isinusulat sa mga artikulo ng iba't-ibang website, patuloy pa ring nalilito ang mga tao sa kung ano talaga ang tulong pinansyal na dala ng Decreto "Cura Italia". Madalas ay ito ang mga katanungan:


- Nawalan ako ng trabaho, may makukuha ba akong tulong sa gobyerno?

- May mga anak akong minor de edad, may makukuha ba akong tulong sa gobyerno?

- Hindi namin alam kung saan kukuha ng pambayad sa bills, renta ng bahay, budget sa mga susunod na buwan, may makukuha ba akong tulong sa gobyerno?

- Ako ay isang COLF at inalis ako sa trabaho ng amo, may makukuha ba akong tulong sa gobyerno?

- Hindi ko alam kung babayaran ng amo ang mga araw na absent ako, may makukuha ba akong tulong sa gobyerno?


Batay na rin sa speech ng ating Prime Minister Giuseppe Conte nang nakaraang March 26, 2020, ang inilabas na Decreto "Cura Italia" ay PAUNANG HAKBANG LAMANG para matugunan ang mga "immediate needs" ng mga taong tuloy ang pagtatrabaho (at tuloy ang sakripisyo) para patuloy na mapagsilbihan ang mga maysakit at maibigay ang mga pangunahing produkto at serbisyo ng bawat mamamayan na nasa kani-kanilang bahay.


Inaasahang sa susunod na buwan ay maglalabas ng mga karagdagang hakbang upang matulungan ang mas nakararami sa panahon ng krisis na ito kung saan halos lahat ng mamamayan ay apektado: mapa-pamilya man, maliliit o malalaking negosyo... lahat ay may malaking problemang pinagdadaanan.


Tulad ng nabanggit, narito ang mga pangunang hakbang ng gobyerno sa kasalukuyan:


ree

(Batid po namin ang mga "reklamo at hinaing" ng mga nagtatrabaho bilang COLF/Badante. Alam po namin na hindi makatarungang walang benefits na isinaad sa Decreto "Cura Italia" na inilabas nitong buwan ng Marso para sa mga domestici. Sa ngayon ay isinusulong ng mga sindacati na magkaroon rin ng tulong para sa sektor na ito. Inaasahan na sa paglabas ng bagong decreto sa buwan ng Abril ay magkaroon na ng batas na makakatulong sa lahat ng nangangailangan.)


Para sa karagdagang impormasyon, narito ang mga links:









*** Kung nais humingi ng tulong para sa sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan: 1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures in PDF format and white background 2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:

  • Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30

  • Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30

3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message 4. Tumawag sa:

  • Milan - 366 5098458

  • Padova - 389 6365056

sa office hours ng opisina. Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato. Biyahero CAF Patronato "There is always a BiyaHero for you!"

 
 
 

2 Comments


caf.raccolta
Mar 28, 2020

Hello Brean! Yes, tama, isa lang ang ibibigay indipendentemente sa dami ng anak :)

Like

Brean Tabangay
Brean Tabangay
Mar 28, 2020

Grazie x l’info ate.. è molto utile. Un chiarimento lang ate, yung voucher babysitter ba ay isa lang ang ibibigay kahit 2 o 3 ang anak?

Like

+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page