top of page
Search

BUONO SPESA SA MILANO - simula na ang application sa susunod na lingo

Updated: Apr 4, 2020

Ayon kay Gabriele Rabaiotti, Councilor for social and housing policies: "Ino-organisa namin ang lahat ng maaaring gawin upang maihatid ang tulong sa lahat ng mga nangangailangan lalo na ang mga talagang nawalan ng income dahil sa emergency na ito".



ree

Milan, 3 April 2020 - Simula sa SUSUNOD NA LINGO, MAAARI NANG MAG-APPLY ONLINE NG BUONO SPESA para sa munisipalidad ng Milano, ayon na rin sa Dpcm na inilabas nitong lingo, March 29, 2020, na nagtalaga ng tinatayang 7.279.000,00 euros para sa syudad ng Milan.


Inaasahan na maipaparating ang tulong sa tinatayang 50-60 libong katao na mga residente ng Milano.


Minarapat ng administrasyon ng Munisipyo ng Milan na hatiin ang pagpapaabot ng tulong sa 3 paraan:


1. Pagtitibayin at dadagdagan ang budget ng 7 hubs sa Milano na 1 buwan nang aktibo sa pamimigay ng pagkain sa mga nangangailangan (na tinatayang umabot na sa 7 libong katao). Ang mga hubs na ito ay makikita sa site na ito: http://www.foodpolicymilano.org/ at maaaring puntahan ng mga nangangailangan upang makakuha ng pagkain. Pinapayuhang pumunta lamang sa hub ng sona kung saan nakatira at magdala ng modulo ng Autodichiarazione per gli spostamenti in case na ma kontrol (https://www.interno.gov.it/sites/default/files/allegati/nuovo_modello_autodichiarazione_26.03.2020_editabile.pdf)


2. Tatawagan at bibigyan ang mahigit 1,200 na pamilya na nauna nang nag-apply sa "Sostegno al Reddito" na napatunayang mababa ang kita ngunit hindi pa nakakatanggap ng kahit anong tulong pinansyal. Mula 150 euro (kung 3 ang myembro ng pamilya) kada buwan (Abril at Mayo) hanggang 350 kung higit sa 3 ang myembro ng pamilya.


3. Bubuksan sa lahat ang application online SA SUSUNOD NA LINGO (hindi pa alam ang eksaktong petsa at hindi pa rin alam ang mga dokumentong kailangang iprisinta) para sa pamimigay ng voucher sa mga pamilyang may pinakahirap na sitwasyong pinansyal, lalo na ang mga:


  • nawalan ng trabaho,

  • nabawasan ng malaking kita,

  • single parent at may bayaring upa sa bahay o mutuo sa banko.


Kailangan ring mapatunayan na ang kasalukuyang laman ng banko ay hindi hihigit sa 5 thousand euros, ang total income ng pamilya ay hindi hihigit sa 20 thousand euros (with reference to 2018 income, nakikita rin ito sa ISEE) o hindi hihigit sa 40 thousand euros kung nawalan ng trabaho dahil sa emergency after February 1, 2020.


Bibigyan nang mas maigting na priority ang mga pamilya na may:


  • minor de edad

  • senior aged from 65 year sold

  • self-employed at nawalan ng kita

  • mga hindi nakakatanggap ng ibang tulong pinansyal tulad na nanggagaling sa Munisipyo ng Milano

  • walang ari-arian


Ang voucher na matatanggap ay 150 euros sa 2 buwan kung 3 ang myembro ng pamilya, hanggang 350 euros sa 2 buwan kung higit sa 3 ang myembro ng pamilya.


Para sa ibang comune, mangyaring bisitahin ang mga website ng munisipyo upang malaman kung bukas na ang application na ito. Tulad ng:




Para naman sa mga susunod na tulong pinansyal dala ng DECRETO "CURA ITALIA" APRILE, ito ay malalaman rin natin sa susunod na lingo.



Para sa mga katanungan tungkol sa DECRETO "CURA ITALIA" MARZO, narito ang mga links:




***


Kung nais humingi ng tulong para sa sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:


1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures in PDF format and white background


2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:

  • Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30

  • Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30

3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message


4. Tumawag sa:

  • Milan - 366 5098458

  • Padova - 389 6365056

sa office hours ng opisina.


Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.


Biyahero CAF Patronato

"There is always a BiyaHero for you!"





 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page