WWW.GAZZETTAUFFICIALE.IT - dito malalaman kung lumabas na officially ang Decreto Rilancio Italia
- BiyaHERO
- May 15, 2020
- 1 min read
Updated: May 18, 2020
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang inaabangang mga tulong na dala ng Decreto Rilancio Italia. Marami na rin ang mga lumalabas na nagsasabi na approved na ito.

Sa Press Conference ng pamunuan ng ating Prime Minister Giuseppe Conte noong May 13, 2020, 7pm (https://www.facebook.com/GiuseppeConte64/videos/892604194543539/) ay nagbigay sila ng kaunting impormasyon tungkol sa ilan sa mga nilalaman ng dekretong parating. 258 articles, 400 pages ang kabuuan ng Decreto Rilancio Italia.
Bagaman naipahayag na ng pamunuan ang pag-apruba sa dekreto, kailangan pa ring hintayin na ma i-publish ito officially sa https://www.gazzettaufficiale.it/ upang maipatupad. May 18, 2020 dapat ang deadline upang ito ay magawa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipa-publish.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin confirmed kung anu-ano ang mga requirements na kailangan sa application para makatanggap ng mga ayudang nabanggit.
Para malaman ang mga inaabangang dala ng Decreto Rilancio Italia, basahin ang article na ito: https://www.biyaheroservices.com/post/decreto-marzo-cura-italia-vs-decreto-maggio-rilancio-italia-ano-ang-mga-dapat-abangan
Patuloy pa rin ang aming services online. Just send your request to caf.raccolta@biyahero.it.
Bukas na ang aming mga opisina BUT STRICLTY BY APPOINTMENT BASIS ONLY! Para mag-reserve, click the link: https://www.biyaheroservices.com/book-online
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Comments