top of page
Search

Decreto Marzo "Cura Italia" vs Decreto Maggio "Rilancio Italia" - ano ang mga dapat abangan?

Updated: May 14, 2020

Alam natin na umpisa pa lang ng period of lockdown ay marami na ang nag-alala dahil sa consequences na dadalhin ng Covid19 crisis na ito. Gustuhin man ng gobyerno na bigyan ng tulong ang lahat ng mga nangangailangan ay hindi nila ito nagawa o magawa agad sa kasalukuyan dahil sa kakulangan ng budget dahil hindi enough ang emergency fund ng Italya.

Sa umpisa ng emergency state noong March, nagkaroon ng financial resources ang Italya, through European Union, na 25 billion euros. Dahil sa very limited fund na ito ay kinailangang mamili ng gobyerno kung saan ibabaling ang atensyon para gawin ang unang hakbang sa pagtulong sa mga mamamayan. Ang naunang decreto marzo ay inilaan para sa mga taong hindi nakabilang sa ika-quarantine, mga taong tuloy ang trabaho para ma-guarantee ang supply ng basic needs ng mgakapwa na napilitang ma-lockdown. Bagaman ang cleaning services ay hindi kasama sa tumigil na sector, hindi nakabilang ang mga domestic helpers or personal caregivers sa mga ayudang ito.

ree

Balikan natin ang mga naunang tulong na dala ng DECRETO CURA ITALIA (ibig sabihin ay “cure Italy”):


1. Congedo Straordinario Covid19 or paid work leave na 15 days para sa mga may anak up to 14 years old kung saan mare-rereceive ang 50% ng halaga ng kanilang salary. Dapat ay both parents ang nagtatrabaho at maaari itong i-apply ng isa lamang sa kanila. Applicable ito hanggang noong May 3.

2. Cassa Integrazione or Work Layoff, upon the decision of the employer, hindi magtatrabaho ang worker at babayaran ng gobyerno ang 80% ng kanyang salary, maximum of 9 weeks ang pwedeng gamitin up to August 2020.

3. Bonus 100 euros para sa mga patuloy na nagtrabaho during emergency state, ito ay nanggaling sa employer directy na pwede naman niyang i-reimburse sa gobyerno. Ibinigay ito para sa mga nagtrabaho ng March 2020 proportioned sa kahit ilang days of work lamang.

4. Bonus 600 euros para sa mga may negosyo, mga free lancer, worker with seasonal contract in tourism, entertainment and agriculture sector at pwede itong i-apply directly sa website ng INPS o Social Security Institution or mga CAF Patronato.

5. Voucher Babysitter naman ay para sa mga parents na patuloy pa ring nagta-trabaho at hindi pwedeng tumigil, pwede silang mag-request ng voucher worth 600 euros (up to 1000 euros if working in healthcare or civil protection sector). Ang voucher na ito ang ibabayad sa babysitter. Tanging employer lamang ang pwedeng mag-apply nito sa website ng INPS or social security institution or mga CAF Patronato at hindi ang mismong babysitter.

6. Legge 104 extension is additional 12 days na work leave para sa mga may kapamilya na may invalidity recognition at may tinatawag na Legge 104 or 104 law rights. Ito ay directly nire-request sa employer at hindi na kailangang dumaan sa any kind of application.

7. Documents validity extension until June 15. Ito ay para sa mga nag-expire na permit to stay, nulla osta para sa petition, documents for Italian citizenship application, authorization at iba pa.

8. Suspension of work dismissal o pagbabawal sa pagtanggal ng empleyado during ng state of emergency


Kasabay ng mga ipinatupad na ito ay lumabas rin ang mga sumusunod:


Regional help tulad ng


1. Pacchetto Famiglia in Lombardy in which 80% ang contribution na ibibigay para sa mga biniling gadgets for e-learning ng mga anak or sa house loan na hindi mabayaran. Ito ay natapos noong May 11 pero bago pa ito nag-end ay naubos na ang funds kaya ang mga huling nag-apply ay maaaring mapunta sa waitlist.


Ang mga municipal help naman na lumabas ay:


2. Buoni Spesa or voucher na maaring magamit sa pagbili ng mga basic needs at ito natapos na noong april 13

3. Contributi affitto or Rental fee aid ay up to 1.500 euros na tulong para sa mga nangungupahan. Para ito sa mga 10-year residents ng italya na walang ari-arian sa buong Lombardy at may ISEE or family financial status indicator value below 26.000 euros. Maari itong i-apply ng tenant pero ang makakatanggap ng pera ay ang mismong may-ari ng bahay kaya obligatory na ibigay ang details nito (fullname, email at cell no).

Habang ipinapatupad ang lahat ng mga financial help na ito ay patuloy na inaabangan ng lahat ang sinasabing “pangalawang hakbang” ng gobyerno upang tulungan rin ang mga mamamayang hindi nasakop ng naunang dekreto. Pinangalanan itong Dekreto Aprile pero dahil hindi ito lumabas sa inaasahang buwan at umabot pa sa kasalukuyan, ito ay napalitan ng pangalanan bilang Decreto Maggio, particularly Decreto Rilancio Italia na ibig sabihin ay “relaunch Italy”.


Bagaman napagkasunduan na ng European Union kung ano at magkano ang halagang itutulong sa Italya at sa ibang mga bansang nahihirapan dahil sa Covid19 cirisis, HINDI PA COMPLETELY APPROVED AND DECRETO RILANCIO ITALIA O DECRETO MAGGIO. Hanggat hindi napa-publish ang decree sa Gazzetta Ufficiale which is the official source ng mga batas na umiiral sa bansang Italya, hindi pa ito maaaring maipatupad. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinag-uusapan at mino-modify ng mga pinuno ng bansang Italya ang magiging final na laman nito. May tinatayang 258 articles ang nakapaloob dito.

Pero ano nga ba ang ilan sa mga maaari nating abangan sa pagdating nito?

(Disclaimer: ang lahat ng babanggitin ay maaring magbago sa paglabas ng Decreto Rilancio Italia dahil nga sa patuloy pang pag-modify nito hanggang sa kasalukuyan)


Bukod sa:

1. Pag-extend ng Congedo Straordinario Covid19 or paid work leave ng another 15 days na maaaari nang i-request up to September 2020

2. Cassa Integrazione or Work Layoff, na maaaring madagdagan ng another 9 weeks at maaari nang magamit hanggang end of October 2020

3. Bonus 600 euros na maaaring tumaas hanggang 800 euros

4. Patuloy na open application for Voucher Babysitter

5. Pagpapahaba ng period para ma-request ng Legge 104

6. Suspension of work dismissal o pagbabawal sa pagtanggal ng empleyado hanggang july 2020


Ang mga pinakahihintay ng marami:


  • Reddito di Emergenza (REM) or Emergency Salary na maaaring i-apply hanggang june, mare-receive ito ng mga residente ng Italya na may ISEE or Family financial status indicator value na hindi hihigit sa 15.000 euros at may limit rin sa financial asset na malalaman kung magkano once na lumabas ito. Maaaring makatanggap ng mula sa 400 to 800 euros depende sa family composition and status.

  • Indennità COLF or Domestic Helper allowance na maaaring matanggap kung ang work contract ay valid maximum hanggang noong February 23, 2020 o higit pa at may minimum of 10 hours work declaration. Maaaring makatanggap ng 500 euros sa buwan ng Abril at Mayo. Sinasabing hindi ito pwede para sa mga naka stay-in sa amo.


Ang dalawang ito ay maaaring hindi compatible sa isa’t isa at maaaring hindi rin ito pwede kung may kapamilya nang nakakatanggap ng tulong through Reddito di Cittadinanza which is a kind of subsidy na natatanggap na ng ilang mamamayan na financially challenged ang pamilya, sa mga nakakatanggap na ng pension at sa mga nagtatrabaho na sapat naman ang kita.



Maaaring lumabas rin ang:


  • Bonus Vacanze – para sa mga pamilya na magbabakasyon sa loob ng teritoryo ng Italya mula July 1 hanggang December 31. Ito ay tax credit o magiging discount sa total na babayaran ng kliyente: 150 euros kung single, 300 euros kung mag-asawa, 500 euros kung pamilya. Dapat ang ISEE or family financial status indicator value ay less than 40.000 euros. Maaari lamang itong ma-avail thru legit travel agencies or tour operators.

  • Bonus 500 trasporto – sa mga bibili ng bike, monopattini, scooter or para sa car sharing

Para naman sa mga negosyante, maaaring abangan ang:


  • Contributo a fondo perduto or direct financial help para sa mga negosyante na may kinita sa taong 2019 ng less than 5 milion euros at nagkaroon ng 2/3 na pagbaba ng kita as of april 2020. Approximately 15% to 25% sa nawalang kita ang maaaring makuha dito. Pinag-uusapan pa kung ito ay maaari ring i-apply sa mga free lancers, lalo na ang mga nakatanggap na ng Bonus 600 na dala ng naunang dekreto.

  • Tax credit sa expenses ng mga negosyante para sa commercial rent (around 60%) ngunit hindi pa malinaw kung ito ba ay valid din sa mga hindi nakabayad ng renta at kung hanggang ilang buwan ito applicable.

  • Discount para sa mga negosyante na napilitan magsara para sa electric bills ng april, may and june

Para naman sa napapabalitang REGULARIZATION o SANATORIA, ito ay inapruahan na kagabi ng pamunuan ni Prime Minister Giuseppe Conte ngunit tulad ng Decreto Rilancio, hangga’t hindi ito naipa-publish sa Gazzetta Ufficiale ay hindi natin malalaman ang mga requirements na kailangang i-provide at paraan kung paano makakapag-apply.



BiyaHero

"There is a BiyaHero in you!"


© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page