top of page
Search

DICHIARAZIONE 730 - pwede nga bang i-carico ang kapamilya na nasa Pilipinas?

Updated: May 13, 2020

Kung ang kapamilya ay nasa Italya, maaaring ilagay "sotto carico" ang:

- asawa - anak *kung ang kinita nila sa taong dine-declare ay hindi tataas sa 2.840,51 euros


Pwede rin ang:

- magulang - other relatives (in particular situation) Bukod sa mababang kita ay dapat kasama sila sa residenza at stato di famiglia ng nagde-declare.


ree

Kung ang kapamilya ay residente sa Pilipinas, maaaring i-declare "sotto carico" ang:

- asawa

- anak

- magulang


Maaari silang ikuha ng Certificate of Financial Support sa munisipyo kung saan sila ay nkatira. Kailangang ito ay naka-apostille at authenticated ng ating Consulate. Ito ang gagamitin para maikuha ng codice fiscale ang mga kamag-anak na ito upang maisama sila sa detrazione carichi famigliare sa Dichiarazione 730.



Narito ang processo para sa Pagkuha ng Certificate of Financial Support:


1. Kumuha ng Certificate of Financial Support sa inyong munisipyo kung saan nakasaad na sinusuportahan nyo ang inyo magulang/ asawa/ anak.


2. Kumuha ng Birth Certificate or Marriage Contract kung saan makikita ang parental connection sa kapamilyang gustong i-carico


3. Dalhin sa DFA ang mga Certificate na ito para ipa-Apostille


4. Ipadala ang original documents sa Italya


5. Dalhin sa Philippine Consulate ang mga dokumentong ito para makuha ang Dichiarazione Consolare


Kung first time kumuha nito at wala pang codice fiscale ang kapamilya:

6. Dalhin ang Dichiarazione Consolare sa Agenzia delle Entrate para kumuha ng codice fiscale ng kapamilyang nais i-carico


Kung may codice fiscale naman na ang kapamilya at nag-renew lamang ng certificate, hindi na kailangang dalhin muli sa Agenzia delle Entrate ang Certificato Consolare.



Pinapayuhan na sa mga nakakuha na ng codice fiscale noon para sa mga kamag-anak na ito ay i-renew every year ang certificate of financial support at isubmit ang kopya nito sa tuwing magpapagawa ng 730, itabi rin nang maayos ang original copy nito at ang mga resibong nagpapatunay na nagpadala sa kanila ng financial support sa buong taon. Posibleng mag-control ang agenzia delle entrate sa paglipas ng panahon. Mabuting handa tayo sa mga dokumento/katibayan na dapat I-submit.


Kung nais magpagawa ng Dichiarazione 730, magpadala lamang ng mga dokumento VIA EMAIL: caf.raccolta@biyahero.it

SUBJECT: Surname Name 730 + cell no


*To learn how to send PDF format documents through camscanner, watch this tutorial: https://www.youtube.com/watch?v=_14FZFC-VvA&t=19s


Para sa mga dokumentong kailangan, narito ang artikulo: https://www.biyaheroservices.com/post/sino-nga-ba-ang-dapat-mag-declare-thru-730



BiyaHero CAF Patronato

"There is a BiyaHero in you!"


© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page