730: SINO NGA BA ANG DAPAT MAG-DECLARE AT ANO ANG MGA REQUIREMENTS NITO?
- BiyaHERO
- Jun 23, 2020
- 2 min read
Ang Dichiarazione 730 ay pagre-report sa Agenzia delle Entrate ng kung magkano ang ating total na kinita sa nakaraang taon. Sa pamamagitan nito ay makakalkula kung magkano ang tax na kailangan pa nating bayaran o refund na maaaring makuha (kung mayroon man).

Bukod sa kita ay pagkakataon din ito para i-submit ang mga katibayan ng ating mga ginastos sa nakaraang taon tulad ng
bahay na binabayaran (binili man o rent) at mga expenses dito,
mga bills sa gamot at check-ups,
insurance policy,
mga gastos sa edukasyon ng anak at iba pa.
Dito rin dine-declare kung may asawa, anak, magulang o kamag-anak na ating tinutustusan.
Importante din ito para makuha ang Bonus Renzi at detrazione bilang trabahador. Sa pamamagitan nito ay malalaman kung makakakuha tayo ng REFUND.
Pinapayuhan na mag-declare ang mga taong may ganitong sitwasyon:
✔️ Kung higit sa 1 ang trabaho at ang total na kinita sa taong 2019 ay higit sa 8.000 euros
✔️ Kung COLF/badante at ang kinita sa taong 2019 ay higit sa 8.000 euros
✔️ Kung may anak na minor de edad lalo na kung ito ay nag-aaral
✔️ Kung may anak na nag-aaral pa o kumita ng hindi hihigit sa 2.840,51 euros
✔️ Kung ang asawa ay kumita ng hindi hihigit sa 2.840,51 euros, maaari syang isama sa carico/detrazione
✔️ kung kasama sa residence ang magulang o ibang malapit na kamag anak (in particular situation) at kumita nang hindi hihigit sa 2.840,51
✔️ Kung may mga ginastos sa pagpapaayos ng bahay, mga check-ups at gamot, insurance policy ng 5 years
Maaari ring mag-declare ng 730 ang may kinita sa taong 2019 nang HINDI hihigit sa 8.000 euros kung may rimborso sa advance taxes na nabayaran o kaya naman ay may bahay na binabayaran dahil maaaring makakuha ng reimbursement dahil sa mga ito.
Maaaring mag-apply ng SINGOLO or individual o CONGIUNTO or magkasabay ang mag-asawa.
Narito ang mga dokumentong kailangan:
Documenti d'identita'
Codice Fiscale
CUD 2020 Reddito 2019
Contratto della compravendita
Contratto del mutuo
Certificazione dalla banca per interessi passivi del mutuo
Spese straordinari (ristrutturazione, lavori in casa, ecc)
Spese sanitarie, scolastiche
Ricevute abbonamento mensile ATM
Ricevute pagamento bollettini MAV se ha assunto un COLF/badante nel 2019
Certificazione Investimenti (titoli, proprietà)
Assicurazione di vita
Dichiarazione 730 dell'anno scorso
In caso di affitto: Contratto d'affitto registrato
Documenti dei famigliari (se ha persone in carico)
Para sa assistance, maaaring kumuha ng appointment sa aming mga offices through: CAF Patronato Hotline Number: 389 7653048 Available Monday to Friday, 9.30-13.00 14.00-18.00; Saturday 9.30-13.00 14.00-17.00 or Email: caf.raccolta@biyahero.it BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Hello po,hanggang kailan po pwede magsubmit ng 730?? Salamat po