top of page
Search

Modello 730 Precompilato - importante upang maiwasang magmulta dahil sa mga maling declaration

Updated: May 13, 2020

May 2 paraan sa pag-insert ng declaration:

1. Declaration na MAY PRECOMPILATO

2. Declaration na WALANG PRECOMPILATO


Ano nga ba ang 730 Precompilato?

Ito ay ang pagkuha sa mga details na nakikita ng Agenzia delle Entrate tungkol sa personal records ng bawat aplikante. Dito makikita kung:

  • ilan at ano ang mga totoong naging trabaho

  • magkano ang totoong total na kinita

  • magkano ang posibleng detrazioni (tax discount)

  • magkano ang value ng properties at investments

sa taong pinagbabasehan ng declaration.

ree

Bakit importante ito?

Ito ay maituturing na "tulong mula sa agenzia delle entrate" dahil ipinasisilip nila kung ano ang records na kanilang nakikita upang MAIWASAN ANG MGA PAGKAKAMALI SA DECLARATION THRU MODELLO 730.


Base sa mga nakaraang record, marami ang nakatanggap ng letters kung saan ay siningil ng naturang ahensya ang mga nag-declare dahil kulang o mali ang mga isinulat o inihayag na detalye tulad ng mga kulang na kinita sa trabaho na akala ay hindi dapat ikonsidera, pati na rin ang mga nakuha sa disoccupazione o maternità, mga idineclare na tax discounts na hindi naman dapat at iba pa.


Paano nakukuha ang 730 precompilato?


1. Hinihingi ng CAF ang DELEGA mula sa applicants at ipinapadala ito sa Agenzia delle Entrate (nagsimula noong May 5, 2020)

2. Kailangang maghintay na ipadala ng agenzia delle entrate ang records na meron sila upang makita ito ng CAF operator

3. Kapag dumating na ang precompilato, maaari nang i-insert ng CAF operator ang mga detalye base sa mga dokumentong ibinigay ng kliyente at ikumpara ito sa record ng agenzia delle entrate. Kung makikita na magkaiba ang mga ito, halimbawa ay may kulang na CU na kailangang i-declare, ipapaalam ito sa kliyente. Sa ganitong paraan ay maiiwasang magkamali sa mga detalyeng ilalagay at maiiwasan ang multa sa mga darating na taon.



***Dahil sa naka-pending na launching ng Decreto Rilancio Italia ay naaapektuhan din ang pag-release ng 730 Precompilato galing sa Agenzia delle Entrate. Kung nais ituloy ang application ng Dichiarazione 730 SENZA PRECOMPILATO, ipagbigay alam lamang sa inyong consultant.


BiyaHero

"There is a BiyaHero in you!"


© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

2 Comments


caf.patronato
May 12, 2020

yes po! Here are the 4 steps: 1. Prepare the documents needed for your request: https://www.biyaheroservices.com/post/sino-nga-ba-ang-dapat-mag-declare-thru-730 2. Scan your documents in PDF format, clear copy and white background Here is the tutorial how: https://www.youtube.com/watch?v=_14FZFC-VvA&t=7s 3. Write the email SUBJECT: surname name pratica + cell no. 4. Send your request to caf.raccolta@biyahero.it. Once your email has been assigned to a consultant, you will be contacted directly Salamat po!

Like

gee.rm69
May 12, 2020

Good afternoon po,pwede ba mag file sa inyo ng 730 kahit taga Torino?Thanks

Like

+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page