top of page
Search

Decreto Aprile "Cura Italia" - Bakit hindi pa nalabas?

Matatandaang dala ng Decreto Marzo "Cura Italia" ang UNANG HAKBANG para maipamahagi ang TULONG PINANSYAL para sa mga grupo ng mamamayan na hindi kasama sa quarantine at patuloy ang pagtatrabaho upang magarantisa ang supply ng mga pangaraw-araw na pangangailangan ng mga residente ng Italya.


Noong ito ay inilabas, marami ang nagreklamo dahil kakaunti lamang ang mga taong mabibigyan ng ayudang pinansyal na ito. Ang sagot sa mga hinaing ay MAGKAKAROON NG KASUNOD NA DECRETO APRILE kung saan bibigyang pansin naman ang pangangailangan ng mga taong hindi nasakop ng naunang batas tulad ng mga nagtatrabaho bilang COLF, badante at ganun na rin ang mga nagtatrabaho "in nero".


Ngunit ang tanong: NASAAN NA ANG DECRETO APRILE "CURA ITALIA"? Lampas kalahati na tayo ng buwan ay wala pa rin ito.


ree

Ang sagot: Dahil sa problemang pinansyal na dinadanas ng Italya na bunga na ng mga naunang krisis at nadagdagan pa ng Covid19 crisis na ito, walang kakayahan ang bansa upang magbigay ng agarang tulong pinansyal kung hindi ito makakakuha ng tulong (sa pamamagitan ng pag-utang/finanziamento) galing sa European Union.


Ang naunang Decreto Marzo ay perang ipinahiram na galing sa EU at ganun din ang mangyayari para maipatupad ang Decreto Aprile. Ngunit mas matagal ang huli dahil mas malaki ang financial budget na kailangan para dito; kung 25 billion euro ang nagamit sa naunang dekreto, tinatayang 60 billion euro naman ang kailangan sa kasunod nito.


Hanggang ngayon ay nagdidiskusyon pa rin ang mga myembro at namumuno sa European Union vs. Primi Minister Conte at mga pulitiko ng bansang Italya kung alin ang tamang instrumento na dapat gamitin para sa emergency period na ito. Maririnig sa balita ang mga salitang MES, Coronabond... ito ang mga ilan sa pinagdidiskusyunan na pagkukuhanan ng tulong pinansyal para maisalba ang mga mamamayan ng bansang Italya.


Kailan lalabas ang Decreto Aprile? Hanggat hindi napagkakasunduan ng buong pamunuan ng bansang Italya at European Union kung aling instrumentong pinansyal ang maaaring gamitin para maglabas ng ayuda, ang tangi lamang nating magagawa ay maghintay at umasa na sana ay lumabas na ito sa lalong madaling panahon.


Kung nais makatanggap ng latest updates, register in our website: www.biyaheroservices.com and like our Facebook pages:

Biyahero CAF Patronato

Biyahero Travel and Tours srl

Biyahero Travel and Tours Padova



Biyahero CAF Patronato

"There is a BiyaHero in you!"

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page