top of page
Search

BUONI SPESA - ISEE less than 20.000 €

Updated: Feb 11, 2021

Inilabas ang "Buoni Spesa Febbraio 2021" upang suportahan ang mga pamilyang naninirahan sa Milan na, kasunod ng emerhensiyang pangkalusugan mula sa COVID-19, ay nahihirapan at nabawasan ang kakayahan sa pagbili. Naaprubahan ang Abiso para sa pagkakaloob ng mga shopping voucher (resolusyon ng Konseho No. 1490/2020).

ree

Ang pagbabayad ng mga shopping voucher ay magaganap sa pamamagitan ng paggamit ng prepaid POSTEPAY card mula sa Poste o sa pamamagitan ng PELLEGRINI mobile phone application. Kapag nakumpleto ang aplikasyon, maaaring mamili ang aplikante kung balak nilang matanggap ang mga shopping voucher gamit ang prepaid card o ang app.


Ang mga pamilya na nakakatugon sa mga sumusunod na requirements ay maaaring mag-apply para sa mga shopping voucher:


• residensya sa Munisipalidad ng Milan sa petsa ng paglathala ng Abiso

• ISEE 2020 o 2021 (maaari din ang ISE corrente: https://www.biyaheroservices.com/post/posible-bang-mapababa-ang-inyong-isee-paano) na mas mababa o katumbas ng 20.000.


Ang mga aplikasyon sa Buoni Spesa Febbraio 2021 ay magsisimula sa araw ng paglalathala ng Abiso sa website ng Munisipyo hanggang 13:00 sa Marso 8, 2021.


Magkakaroon ng ranking-basis para sa pag-apruba ng application. Ang prioridad ay ibibigay sa mga pamilyang:

  • may pinakamababang ISEE

  • may pinakamaraming menor de edad at senior aged

  • may invalid member

  • mga nakatanggap na ng RDC, sostegno al reddito at buoni spesa

€ 300 ang matatanggap ng pamilya hanggang sa 3 miyembro at € 700 para sa mga pamilyang mayroong higit sa 3 miyembro.


Ang mga shopping voucher ay maaaring magamit hanggang Nobyembre 30, 2021.


Ang mga dokumentong kailangan:

  • carta d'identità

  • codice fiscale

  • ISEE 2020 o 2021/ISE corrente na hindi hihigit sa 20.000 euro (ano ang ISEE? Panoorin ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=NUkdf4P_zbY)


Kung nais ng karagdagang impormasyon o kumuha ng appointment, tumawag sa BiyaHero CAF Patronato hotline numbers:


Milan - 366 5098458

Via Porpora 5 - near MM1 Loreto


o mag-email sa caf.raccolta@biyahero.it

Email subject: NAME SURNAME + bonus spesa milano

BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance

"There is a BiyaHero in you!"

© 2021 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page