Posible bang mapababa ang inyong ISEE? Paano?
- BiyaHERO
- Feb 5, 2021
- 2 min read
Ang ISEE ay isang klase ng Certificate kung saan nakasaad ang Financial Capability ng isang pamilya. Dito kadalasang nagbabase ang gobyerno ng Italya kung anong tulong ang maaaring maibigay sa isang pamilya.
Kinacalcola ito sa pamamagitan ng pag-declare ng mga family members ng kanilang income, bank savings at ari-arian ng NAKARAANG DALAWANG TAON (para sa taong 2021 - ang reference year ay 2019). Ang halaga na magreresulta sa calcolo na ito ay siyang sasalamin sa kakayahang pinansyal ng isang pamilya - mas mababa ang halaga ng isee mas malaki ang posibilidad na makatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
Ngunit paano kung nitong huli ay bumaba ang income ng isang pamilya (nawalan ng trabaho o nabawasan ng oras sa trabaho etc.)?
Paano makakahingi ng tulong sa gobyerno kung ang amount ng ISEE ay mataas parin?
Dito pumapasok ang posibilidad na magpagawa ng ISE CORRENTE.

Ang ISE CORRENTE ay isang espesyal na klase ng ISEE na SUMASALAMIN SA AKTWAL NA PINANSYAL NA SITWASYON NG ISANG PAMILYA.
Maaari itong hingin kung ang kabuuang kita ng isang pamilya ay bumaba ng 25% pataas. Maaaring dahil nawalan ng trabaho ang isang myembro nito o kaya naman ay nabawasan ang normal na sweldo.
Ano ano ang mga requirements para dito?
- ISEE 2021 (kailangang mayroon munang normal na isee ang isang pamilya upang makapagrequest ng ISE CORRENTE)
- Mga certificates, documents, busta paga, lettera di licenziamento, chiusura partita iva etc. na nagpapatunay sa pagbaba ang income ng isang nucleo ng nakaraang 12 buwan.
- Kailangan ding i-declare ang mga tulong pinansyal na natanggap mula sa gobyerno nitong nakaraang 12 buwan gaya ng mga Bonus, Reddito di Cittadinanza, Assegni Familiari, etc.
Example 1 - higit isang taon nang naka cassa integrazione ang isang myembro ng pamilya, kailangan ng last 12 buste paga upang mapatunayan ang pagbaba ng tinatanggap o natanggap na sweldo ng huling 12 buwan.
Example 2 - nawalan ng trabaho ang isang myembro ng pamilya noong May 2020. Kailangang i present ang buste paga mula February 2020 hanggang sa mawalan ito ng trabaho noong May 2020, kailangan ding i presenta ang Lettera di licenziamento ng May 2020 o chiusura ng partita IVA etc.
Ang ISE CORRENTE ay may validity na 6 na buwan mula sa araw ng pagkakaloob nito.
Kung sakaling gumanda ang financial status ng isang pamilya dahil nakahanap ng bagong trabaho o tumaas ang natatanggap na sweldo, kailangang magpresent ulit ng ISE CORRENTE sa loob ng 2 buwan.
Kung nais humingi ng tulong o humingi ng karagdagang impormasyon, tumawag sa BiyaHero CAF Patronato hotline numbers:
Milan - 351 5209992/ 366 5098458
Via Porpora 5 - near MM1 Loreto
Padova - 328 4914825
Via Enrico Toti 3 - near FS Padova station
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
© 2021 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Comments