TAGLIANDO/RICEVUTA ng Permesso di Soggiorno na scaduto, pwede nga bang gamitin sa pagbibiyahe?
- BiyaHERO
- Feb 25, 2020
- 2 min read
Updated: Mar 7, 2020
OPO, kung ang biyahe ay between Italy and Birth Country (Paese di Origine), halimbawa ay Pilipinas para sa ating mga Pilipino.
Kung sinuman po ang may hawak ng "permesso di soggiorno in fase di rinnovo" ay maaaring magbiyahe basta't dala ang ricevuta/tagliando, bollettino postale at appointment (kung meron) na ibinigay ng Poste Italiane kasama ang expired permesso di soggiorno at valid passport. Pinapayuhan na dalhin na rin ang kopya ng work contract, bustepaga/bollettini INPS, CUD bilang katunayan na may trabaho sa Italya o kaya ay DID (Dichiarazione di Immediata Disponibilita') kung disoccupato. Dapat din ay pareho ang airport of origin and return.
HINDI naman ito pwedeng gamitin kung tayo ay magbibiyahe sa Schengen areas kahit na ito ay transit airport lamang. Iwasan ding magbiyahe sa ibang lugar maliban sa bansang sinilangan.
**** BAKIT HINDI NAKAKABALIK ANG MGA TAONG MAY HAWAK NA TAGLIANDO/RICEVUTA na may permesso di soggiorno scaduto?
- sa mga nagrenew ng permesso di soggiorno na lumampas sa 60 days grace period simula ng expiry date ng dokumento... ang payo namin ay mag-renew na 60 DAYS BEFORE NG SCADENZA (or at least 60 days after at huwag nang lalampas pa) para maiwasan ang anumang problema
- mga passengers na WLANG OEC - Overseas Employment Certificate na kinukuha sa POEA (sa mga may hawak ng Permesso di Soggiorno per motivo di Lavoro Subordinato)
- sa mga "abusivi", ang mga naka disoccupazione po na nagtatagal na mag-bakasyon sa kanilang bansa ay maaaring ma-question pabalik ng Italya. Lalo na kung paulit-ulit nang ng-request nito at paulit ulit na ring nagbabakasyon nang matagal. Tandaan po natin na may objectives ang "sostegno al reddito" na ibinibigay ng gobyerno, layunin po ng "Sostegno per Disoccupazione" na matulungang mag-survive ang taong nawalan ng trabaho habang ito ay NASA ITALIA at naghahanap ng bagong mapapasukan. Hindi po ito nakalaan para gastusin sa ating bakasyon kundi tulong sa pang araw-araw na pamumuhay habang maayos na naghahanap ng bagong trabaho.
- sa mga iba pa pong particular cases na maaaring maging "suspicious" tulad ng kaso sa bansang pinanggalingan o sa Italya at iba pa.







Comments