SUSPENDED CONTRIBUTI INPS COLF
- BiyaHERO
- Mar 15, 2020
- 2 min read
Ang mga contributi INPS ng first trimester ng taong 2020 na may deadline ng pagbabayad hanggang April 30, 2020 ay pansamantalang suspendido sa ngayon. Ibig sabihin ay pwedeng HINDI MUNA bayaran ang contributions na ito bilang pag-iintindi ng gobyerno sa problemang pinansyal na maaaring kinakaharap din ng mga employer o datori di lavoro.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na babayaran ang bolletino MAV na ito, simula sa buwan ng Mayo 2020 ay maaari na itong bayaran ng buo o hatiin hanggang sa limang hulog.
(Ang mga impormasyong ito ay maaaring magbago ayon sa bagong decree na pipirmahan sa mga susunod na araw).

Samantalang ngayong gabi ay patuloy pa ring pinag-aaralan ang mga TULONG PINANSYAL na bubuksan para sa mga pamilya, negosyante, free lancers at medical staff upang matulungan ang lahat ng nangangailangan sa panahon ng krisis na ito.
Pinapayuhan na ihanda ang ISEE dahil ilan sa mga lalabas na bonus ay mangangailangan ng pruweba ng sitwasyong pinansyal ng pamilyang mangangailangan ng tulong.
Kung nais humingi ng tulong para sa ISEE, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:
1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures ng inyong mga dokumento:
Dokumento ng lahat ng kasamang kapamilya sa residence (carta d'identita, codice fiscale, permesso di soggiorno)
CUD 2019 Reddito 2018
Contratto di affitto con registrazione
Saldo e giacenza media banca/libretto di risparmio/ carta prepagata
Libretto della macchina
Particular cases: (Certificato di Invalidità, Iscrizione all'Università, Separazione)
2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:
Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30
Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30
3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message
4. Tumawag sa:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
sa office hours ng opisina.
Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.
Biyahero CAF Patronato
"There is always a BiyaHero for you!"






Comments