top of page
Search

SANATORIA 2020

Updated: Jun 19, 2020

Simula June 1, 2020 hanggang August 15, 2020 ay maaari nang mag-apply para sa regularisasyon ng dokumento ng mga estrangherong walang valid permit to stay sa Italya. Narito na nga ang pinakahihintay na SANATORIA 2020, dala ng Decreto Rilancio Italya na matatandaang nai-publish officially sa Gazzetta Ufficiale noong May 20, 2020.



Dalawang klase ang nakapaloob sa regularisasyon na ito:

  1. Para sa mga mayroong permit to stay noon na nakamit sa pamamagitan ng seasonal work contract ngunit nag-expire hanggang noong October 31, 2019 at hindi na muling nagkaroon ng pagkakataon upang ito ay i-renew o i-convert sa ibang klase ng Permesso di Soggiorno; ito ay para rin sa mga trabahador na italyano or UE residents na may iregular na work contract hanggang sa kasalukuyan

  2. Para sa mga pumasok sa Italya hanggang noong March 8, 2020 at walang balidong permit to stay


Ang mga sektor na maaaring i-apply ang regularisasyong ito ay:

- agriculture, livestock and animal husbandry, fishing and aquaculture and related activities;

- assistance to the person for themselves or for members of their family, even if they are not living together, suffering from pathologies or handicaps that limit their self-sufficiency;

- domestic work to support family needs



Paano ang application?

Para sa unang tipo ng sanatoria (mga nag-expire ang permesso di soggiorno hanggang noong October 31, 2020), maaaring mag-apply ang mismong trabahador sa Questura kung saan sya ay nakatira upang makamit ang 6-month valid permit to stay na maaaring gamitin upang maghanap ng trabahong regular nang sa gayon ay makapag-request sya ng Permit to stay na may mas mahabang date validity.


Para naman sa pangalawang tipo (mga walang permesso di soggiorno at nakapasok sa Italya hanggang noong March 8, 2020), ang employer o datore di lavoro ang maaaring gumawa ng application nito. Pwede ring magpatulong sa Patronato upang ito ay magawa.

Narito ang mga requirements para sa pag-aapply:

  • Passport ng worker

  • Proof of documents na sya ay nasa italya na as of March 8, 2020

ex. medical certificate, certificate of enrollment ng anak, tessera di abbonamento per mezzi pubblici, certificate galing sa pulis, SIM card contract, contract from Italian operators, documents from italian institutions, consular declaration

  • Sanatoria F24 payment receipt (500 euros)

  • Valid documents of employer (carta d 'identità, codice fiscale, permesso di soggiorno a lungo periodo kung straniero ito)

  • Proof of income ng employer (Dichiarazione 730 or Unico)

  • Marca da Bollo 16 euros


Ayon sa lumabas na official communication galing sa Ministero dell'Interno ay hindi kailangang madaliin o magpaunahan sa pag-sa-submit ng application dahil walang limit na itinakda sa dami ng mga maaaring mag-apply.



Kung nais kumuha ng appointment para sa sanatoria 2020, tumawag lamang sa aming Biyahero CAF Patronato Hotline: 3897653048 during office hours:


Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00

Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00



BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance


"There is a BiyaHero in you!"


© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

1 Comment


serragineton06
Jun 27, 2020

Maam' pano po kung wla aq amo pano po proseso,?

Like

+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page