top of page
Search

RINNOVO DI DIMORA ABITUALE: ano ito?


ree

Ang mga residente ng Italia na hindi European Citizen, kagaya nating mga pinoy, ay obligadong i-confirm sa Comune na tayo ay residente parin sa nasabing lugar. Ito ay tinatawag na RINNOVO DI DIMORA ABITUALE.

Ang hindi pagsunod sa patakarang ito ay magdudulot ng pagkansela ng ating residenza at pagkawala ng lahat ng mga karapatan at libreng serbisyo na tinatamasa ng isang regular na residente, kagaya na lamang ng Assistenza Sanitaria, ang maaaring hindi pagtanggap ng mga pampublikong eskwelahan sa inyong mga anak, maaari ring maging hadlang sa pag file natin ng iba't ibang domande kagaya ng Assegno Nucleo Familiare (ANF), Cittadinanza at marami pang iba.


Paano malalaman kung kailangan mo nang mag renew ng Dimora Abituale?

Ang scadenza ng isang dimora abituale ay nakasunod sa scadenza ng ating Permesso di Soggiorno (PDS). Kinakailangang ma i renew ang dimora abituale hanngang 60 araw mula sa data di scadenza ng PDS. Ipresenta lamang ang ricevuta di rinnovo at iba pang documenti d'identità, kagaya na lamang ng Carta d'Identità at Codice Fiscale.


For Example: Kung ang scadenza ng inyong PDS ay 30/09/2021, kinakailangang ma i renew ang dimora abituale hanggang 30/11/2021.


Maaari ding i-renew ng richiedente ang dimora abituale para sa mga kapamilyang carico at naka indicate sa mismong PDS nito.


Pagkalipas ng 2 buwan hanngang 6 na buwan na hindi narerenew ang dimora abituale ay magpapadala ng comunicazione ang Comune na magsisilbing ultimatum upang i presenta ang bagong renew na PDS (o ricevuta di rinnovo), ang hindi pagsunod sa itinakdang araw ng pag renew nito ay magreresulta sa pagkansela ng inyong residenza.


Applicable ba ito sa mga menor de edad?

OO. kinakailangan ng mga magulang o legal guardian ng bata na i-renew ang dimora abituale nito sa scadenza ng permesso di soggiorno.


Paano ito ginagawa?

Kadalasan, dinadala ng personal ang mga documenti sa Sportello Anagrafe ng isang Comune.

Marami naring Comune ngayon ang tumatanggap ng renewal ONLINE, kagaya na lamang ng COMUNE DI MILANO, GENOVA, VERONA, CREMONA, BARI at marami pang iba.



*******************************

Para sa mga nais humingi ng assistance upang maayos ang inyong dimora abituale ay maaaring sumadya sa pinakamalapit na Biyahero Office sa inyong lugar (preferably with appointment).


Dalhin ang mga sumusunod:

- Permesso di soggiorno in scadenza o scaduto + ricevuta di rinnovo

- SPID (optional)

- Carta Identità

- Codice Fiscale o Tessera Sanitaria

*******************************

For more information, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe via Whatsapp sa aming HOTLINE NUMBERS:


Milan - 366 5098458

Padova - 389 6365056


Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00

Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00



Bukas din ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia at hirap marating ang ating mga branches.


Maaring magpadala ng requests:

VIA EMAIL sa CAF.RACCOLTABIYAHERO@GMAIL.COM

VIA WHATSAPP sa 351/5209992 (Mon-Fri 11am to 3pm)


********************************



BiyaHero


Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance



"There is a BiyaHero in you!"






For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:


Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE






To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero






© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page