top of page
Search

RIMBORSO SA 730: Paano nagkakaroon nito?


ree

Ang pagkakaroon ng rimborso sa 730 ay nangyayari kung mas mataas ang mga na i declare na spese (detrazioni) sa binayaran o babayarang taxes, maaari ding dahil maraming familiari a carico (anak, asawa, magulang etc.) ang dichiarante.


DICHIARANTE - tawag sa lavoratore'ng nag a-apply ng 730.

DETRAZIONE - mga maaaring magpababa o discount sa mga taxes na kailangang bayaran


Sino sino ang mga familiari a carico?

Ito ay kadalasang asawa o anak ng dichiarante.

  • Ang ASAWA ng dichiarante ay kinakailangang hindi kumita noong 2020 ng higit sa 2840 euros. Ang detrazione na maaaring makuha ay nasa humigit kumulang 690-800 euro dipende sa kabuoang reddito ng dichiarante.

  • Ang mga ANAK ng dichiarante na may edad 24 pababa at hindi kumita ng higit sa 4000 euros noong 2020. Nasa humigit kumulang 950 euros ang detrazione kada isang anak na may edad 3 pataas, at humigit kumulang 1,220 euros naman sa mga anak na may edad 3 pababa.

Maaari pang tumaas ang mga nasabing detrazione, kung ang bata ay portatore di handicap o kung mayroong higit sa 3 anak na carico ang dichiarante.

Maaari ding i-carico ng dichiarante ang iba pang miyembro ng pamilya, kagaya ng mga magulang, kapatid etc., ngunit kinakailangang isangguni muna ito sa inyong consultant upang malaman kung maaari itong gawin o hindi, para maiwasan ang pagkakamali na pwedeng magdulot ng multa/sanzione mula sa maling declaration.


Ano ano pa ang mga spese na maaaring i declare upang mapababa ang babayarang tax o para magkaroon ng rimborso?

  • SPESE SANITARIE:

‐ Spese mediche, visite, tickets, scontrini farmacia (min. 129 euros), fatture occhiali da vista con prescrizione, dentista, degenze ospedaliere, protesi e attrezzature sanitarie, assistenza infermieristica e riabilitativa, cure termali, etc.

‐ Spese per l’acquisto di veicoli per portatori di handicap ( Legge 104/92, art.3 comma 3)

‐ Spese per il ricovero in case di riposo (solo la parte relativa a spese sanitarie)

‐ Spese veterinarie per animali domestici (ang fattura ay kinakailangan ding nakapangalan sa dichiarante)

  • SPESE ABITAZIONE

- Interessi passivi ng mutuo na binayaran noong 2020 (humingi ng certificate mula sa banca)

- spese di intermediazione immobiliare mula sa pagbili ng bahay (max limite 1.000 euro)

- spese per ristrutturazione/risparmio energetico etc.

- Spese per mobili ed elettrodomestici (NOTE: para lang ito sa mga bahay na under renovation)

- maaari ding magkaroon ng rimborso ng hanggang 300 euros para sa mga naka affitto. (kinakailangang nakapangalan ang contratto sa dichiarante o familiari a carico nito).

  • SPESE PER CHI HA FIGLI:

- spese di frequenza asilo nido

- spese di istruzione mula scuola materna hanggang scuola superiore, kagaya ng mense scolastiche, rette, spese di trasporto (school bus), etc. (max spesa 800 euros)

- spese per istruzione universitaria (% detrazione dipende sa zona at kung public o private ito)

- spese attività sportive para sa mga anak na may edad 5 hanggang 18.

- spese canoni locazioni per studenti fuori sede (ang estudyante ay kinakailangang carico pa ng dichiarante at ang contratto d'affitto ay nakapangalan sa dichiarantre)

  • SPESE PER DISABILI:

‐ spese addetti d'assistenza per persone non autosufficienti (max. 2.100 euro)

- premi relativi alle assicurazioni aventi per oggetto il rischio di non autosufficienza nel compimento degli atti della vita quotidiana (max 1.291,14 euro)

- spese sostenute in favore dei minori o di maggiorenni con disturbo specifico dell'apprendimento (DSA)

- spese sostenute per i servizi di interpretariato dai soggetti riconosciuti sordi

  • SPESE DI ASSICURAZIONE

- assicurazioni vita, infortunio, invalidita’ (premio pagato per l'anno 2020)

- assicurazioni aventi per oggetto il rischio di eventi calamitosi stipulate a decorrere dal 1° gennaio 2018 e relative a unità immobiliari ad uso abitativo

  • ALTRE SPESE:

- spese funebri sostenute per la morte di persone, indipendentemente dall'esistenza di un vincolo di parentela con esse. (1.550,00 euro. Per deceduto - kinakailangan na ang fattura ay nakapangalan sa dichiarante).

- Erogazione liberali

- Spese abbonamenti trasporto pubblico locale, regionale e interregionale (maximum spesa 250 euro per head - dichiarante & familiari a carico)

- Bonus Vacanza (kailangan ng fattura na nakapangalan sa dichiarante o familiare a carico)


NOTE:

Ang mga resibo/fattura ay kinakailangang:

- nakapangalan at nakalagay ang codice fiscale ng mismong dichiarante o familiari a carico nito

- ang data di rilascio ay taong 2020 lamang.

- malinaw at nababasa ng maayos ang lahat ng mga nakasulat dito.


Importanteng malaman na hindi maaaring gamiting batayan ang dami ng familiari a carico ng dichiarante o sa dami ng spese na ideneclare, sa laki ng maririmborso.

Maihahalintulad ang 730 sa pagfile ng INCOME TAX RETURN sa Pilipinas na kung saan ibinabalik (RETURN) ang sobrang naibayad na tax.

Ang maximum na iririmborso sa isang dichiarante ay kapantay ng laki ng binayaran na tax.

For example: Si Juan ay may tatlong anak na carico at malaki din ang spese sanitarie na kanyang naideclare, pumapatak sa 3,500 euros ang dapat sana ay kanyang maririmborso, ngunit ang binayaran lang nitong tax ay nasa 2,000 euro lamang, kaya ang maximum na maibabalik (RETURN) lang sakanya ay 2000 euros lang din.


Paano nagkakaroon ng rimborso ang mga domestici kung ang reddito nila na kanilang i-deneclare sa 730 ay hindi pa nababawasan ng tax?

Nkakapagrimborso sila dahil marami ding bonuses ang hindi nila natatanggap at sa pamamagitan ng pagfafile ng 730 ay nakukuha nila ang mga ito.

Una sa lahat, ang mga domestici kagaya ng colf/badante/babysitter etc., ay hindi kinakaltasan ng taxes ng kanilang mga datore di lavoro kaya kinakailangang mag file sila ng 730 o Unico para mabayaran ang mga ito.

Hindi rin sila nakakatanggap ng kilala natin sa tawag na BONUS RENZI na nasa humigit kumulang 1,200 euros kada taon - makukuha lang nila ito kung sila ay magfa-file ng 730 o Unico.

For example: Si Maria ay isang Colf, ang kanyang reddito noong 2020 ay nasa 10,000 euros (buong taon).

Sa 10,000 euros ay kinakailangan niyang magbayad ng humigit kumulang 460 euros na tax.

Ngunit imbes na siya ang magbayad ay makakatanggap siya ng rimborso dahil ibibigay naman sakanya ang BONUS RENZI na nasa 1,200 euros.

Ang system ngayon ay titimbangin ang kanyang bayarin at rimborso. Dahil mas malaki ang bonus renzi sa tax na kanyang babayaran, ay magkakaroon siya ng rimborso na 740 euros (1200 bonus renzi - 460 tax = 740 euros).


Tandaan na ang pag declare ng mga kinita sa pamamagitan ng 730 o Unico ay isang responsibilidad ng mga mamamayan at naninirahan dito sa Italia. Ang ating mga binabayarang taxes ay ginagamit sa iba't ibang proyekto ng gobyerno para rin sa atin, kagaya ng libreng ospital, murang gamot, maayos na transportasyon, eskwelahan para sa ating anak at marami pang iba.


Exempted naman sa dichiarazione ang mga kumita ng mas mababa sa 8,000 euros noong nakaraang taon, ngunit pinapayuhan na mag file parin kung ito ay may bahay na inuupahan dahil malaki ang posibilidad na may makuha parin itong rimborso.



For more information, maaaring tumawag sa aming HOTLINE NUMBERS:


Milan - 366 5098458

Padova - 389 6365056

Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00

Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00


ONLINE ASSISTANCE - 351 5209992 (Mon-Fri: 11:00 to 15:00)

or send a message via whatsapp or email to caf.raccoltabiyahero@gmail.com

Ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia.


BiyaHero


Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance



"There is a BiyaHero in you!"



For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:


Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE



To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero




© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page