top of page
Search

POLO Milan DOLE-AKAP for OFWs

Updated: Apr 22, 2020


Maraming salamat sa mga nag-fill out ng Online Job Displacement link ng POLO Milan. Dahil sa impormasyon na inyong isinumete, nakatulong po ito sa pag-assess ng Department of Labor and Employment kung anong mga bansa ang higit na nakaranas ng job displacement dahil sa COVID-19.


ree

Kaugnay dito, para matulungan ang mga documented at ilang qualified undocumented OFWs na nakaranas ng job displacement dahil sa COVID-19, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang DOLE-AKAP Program.


Nagagalak pong ipahayag ng POLO Milan na ang Italya ay isa mga Priority Countries na nakalista na magbebenipisyo sa nasabing financial program ng DOLE.


Simula 14 April 2020, Tuesday, ang mga OFWs sa Milan at Northern Italy na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ay maaring mag-submit ng APPLICATION ONLINE for financial assistance ng DOLE-AKAP Program sa pamamagitan ng mga sumusunod na links:


https://sites.google.com/view/polomilandole-akap/home/online-application-form

OR

https://bit.ly/polomilandoleakap


Ang mga covered at qualified OFWs ay makakatanggap ng one-time financial assistance sa halagang 200USD o ang katumbas nito sa euros.


Para sa mga guidelines at karaniwang mga katanungan ukol sa DOLE-AKAP Program, please click POLO Milan DOLE AKAP FAQs link below:


 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page