top of page
Search

PHASE 2 - "Sblocco Italia"

Updated: May 13, 2020

Ayon sa pahayag kagabi, April 26, 2020 ng ating Prime Minister Giuseppe Conte, simula May 4 ay uumpisahan na ang Oplan "Sblocco Italia" (unblock Italy). Unti-unti nang bubuksan ang ilan sa mga piling business activities tulad ng:

  • food industry ngunit maaari lamang ang "deliver at take away"

  • manufacturing industry

  • construction industry

  • wholesale industry

  • museum, library, exhibit

  • at iba pa


Para sa mga mamamayan, maaari na muling mag-exercise MAG-ISA sa labas ng bahay. Hindi pwedeng lumabas sa kanya-kanyang Region maliban na lamang kung ito ay emergency. Pinapayagan na rin ang pagbisita sa kamag-anak NGUNIT HINDI ANG PAGSASALU-SALO at lalo na ang party ng maraming tao.


Pinapayuhang magdala pa rin ng modulo di autodichiarazione per gli spostamenti kung saan man pupunta. Narito ang link: https://www.interno.gov.it/sites/default/files/allegati/nuovo_modello_autodichiarazione_26.03.2020_editabile.pdf


ree

Kalakip ng mga ito ay ang mahigpit na mga panuntunin na inaasahang susundin pa rin ng bawat mamamayan. Apat na "D" ang ating susundin sa unti-unting paghakbang ng bansang Italya para sa muling pagbangon:


DISTANZA - Social Distancing/Pagitan

Patuloy na ipapatupad ang distansya na hindi hihigit sa 1 metro sa bawat taong makakasabay o makakasalubong sa labas ng ating mga tahanan. Ganun din sa ating mga trabaho, kailangang panatilihin ang 1-meter distance na ito sa mga kapwa staff at gayun na rin sa mga kliyente kaya't magkakaroon ng internal re-organization sa bawat kumpanya tulad ng:

  • pagkakaroon ng extraordinary shifting sa oras ng trabaho

  • pagbawas sa oras ng pagbukas sa publiko

  • pagsulong ng "appointment basis" para sa mga kliyente

  • pag-promote ng ONLINE SERVICES


DISPOSITIVI - Devices/Kagamitan

Ang lahat ng mga taong lalabas ay kailangang may mask, gloves, hand sanitizer at ilan pang kagamitang maaaring makatulong upang siya ay maprotektahang makakuha ng virus. Sa mga negosyo naman ay obbligatory din ang mga ito pati na rin ang plexiglass at lahat ng maaaring makatulong upang mapanatiling malinis at sanitized ang lugar.


DIGITALIZZAZIONE o Technology

Patuloy na iminumungkahi sa mga mamamayan na gamitn ang ONLINE SERVICES para sa mga balak asikasuhin sa labas ng bahay tulad ng paglakad sa mga dokumento, paghingi ng konsulensa, pagbabayad ng mga serbisyo at iba pa upang makabawas ito sa pagdami ng mga taong nasa labas ng kanilang tahanan.


Para sa mga ONLINE REQUESTS sa Biyahero, maaaring mag-email sa caf.raccolta@biyahero.it o mag-register online for free sa www.biyaheroservices.com.


DIAGNOSI O Kasalukuyang kalagayan

Inaabangan ng lahat ang paglabas ng APPlication na maaaring makatulong sa pag-detect kung sino ang mga posibleng may dalang Covid19 virus at ang mga taong nakahalubilo nito, paraan upang maiwasang muli ang mabilis na pagkalat ng pandemia. Sa trabaho naman ay kailangang kontrolin ang bawat empleyado kung ano ang temperatura at kalagayan nito. Kung lalabas na ang temperatura nya ay 37.5 °C pataas, hindi sya maaaring tumuloy sa pagpasok.



BiyaHero

"There is a BiyaHero in you!"


© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page