top of page
Search

PHASE 2 - Paano nga ba tayo makakabalik sa "normal" na pamumuhay?

In-extend ang lockdown hanggang May 3 pero kahit papaano ay unti-unti nang bumababa ang mga cases ng Covid19 patients (ngunit malayo pa tayo sa zero cases)... ang tanong ng marami: makakabalik na nga ba tayo sa normal na pamumuhay simula May 4?


ree

Sa ngayon ay wala pang makapagbibigay ng tunay na kasagutan dito pero isang bagay ang sigurado: anuman ang petsang itatakda ng pagbubukas muli ng bawat syudad ng Italya, MARAMING PAGBABAGO ANG DAPAT NATING TANGGAPIN, HARAPIN AT MATUTUNANG GAWIN. Ika nga: "Things will never be the same again!"


Marami sa mga pagbabagong ito ay hindi komportable ngunit hindi natin maikakaila na ang iba naman ay makabubuti sa ating lahat.



Paano nga ba tayo babalik sa ating pang araw-araw na pamumuhay?


Apat na "D" ang magiging pamantayan ng lahat para tayo ay unti-unting makabalik sa ating mga aktibidad. Ito ang ating magiging sandata hanggat hindi pa nahahanap ang solusyon (gamot/bakuna) kontro sa Covid19.


Ito ay ang mga sumusunod:


Distanza (pagitan/ distance)

Dispositivi (kagamitan/ devices)

Digitalizzazione (teknolohiya)

Diagnosi (pagtuklas ng kalagayan/ diagnosis)



DISTANZA o SOCIAL DISTANCING


Sa pagbubukas ng bawat syudad, alalahanin natin na magsisimula tayong mamuhay kasama ang katotohanang nasa paligid pa rin ang virus na ating kinatatakutan. Tandaan na napakaimportanteng panatilihin ang distansya natin sa bawat taong ating makakasalamuha, makakasabay sa biyahe o makakasalubong sa daan. Ganun na rin sa mga "appointments o schedules" na ating hindi napuntahan dahil sa lockdown: questura, banko, post office, opisina, negosyo... bago magdesisyon na lumabas ng bahay para pumunta sa mga lugar na ito at sumabay sa maraming tao, pag-isipang mabuti: kailangang-kailangan ba ito agad? Worth-it ba ang risk sa pagpila sa mga lugar na ito at makisabay sa maraming tao? May iba bang paraan para gawin ito?


Kung kailangang-kailangan na ito ay gawin, ang sagot dito ay...



DISPOSITIVI O DEVICES


Siguraduhing kumpleto sa proteksyon: face mask, gel sanitizer at guantes. Magkakaroon ng bagong safety devices and measures sa mga establishments ngayon tulad ng plexiglass windshield, sanitizers at divisors para sa one-meter social distancing. Ngunit wala nang hihigit pang pinakamalakas na proteksyon sa MALAKAS AT MALUSOG NA ISIP AT PANGANGATAWAN: kumain nang masustansyang pagkain, matulog sa tamang oras, mag-exercise araw-araw, MAGDASAL, MANALIG AT MAGING POSITIBO NA MATATAPOS DIN ANG LAHAT NG ITO. MAKAKABUTI RIN ANG PAGTULONG SA MGA NANGANGAILANGAN.


Kung ang appointment naman ay hindi talaga urgent o may ibang paraan para ito ay gawin, ang sagot dito ay...



DIGITALIZZAZIONE O TECHNOLOGY


Isa sa advantage ng ating generation ngayon ay ang mga makabagong kaalaman, kagamitan at imbensyon na maari nating gamitin upang maging mas komportable ang ating buhay. Isa lang naman ang dahilan kung bakit hindi tayo matutulungan nito: KUNG HINDI NATIN ITO PAG-AARALANG GAMITIN. Email, Facebook, Whatsapp, Camscanner, Smartphone: mga simpleng sandata na maaaring magsalba ng buhay natin at ng ating mga mahal sa buhay!


Hindi man matuklasan agad ng ating mga makabagong teknolohiya ang gamot sa Covid19, sila naman ay gumagawa ng paraan upang sa pamamagitan nito ay malaman natin ang...



DIAGNOSI O KASALUKUYAN NATING KALAGAYAN


Ayon sa balita, ang mga dalubhasa ay nagde-develop ngayon ng isang APPlication na maaaring i-download sa smartphone at maaaring makatulong sa atin upang malaman kung may nakasalamuha ba tayong may Covid19 virus. Magbibigay ng mga suggestions ang nasabing app kung ano ang dapat gawin upang maiwasang kumalat pa ito.


Kung lalabas na ang APP na ito, kung maaari mo namang magawa ang iyong mga kailangang asikasuhin online sa tulong ng iyong smartphone APPlications, email, whatsapp, digital signature at ang mga ito ay maaaring makatulong sa pagsalba sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay, pwede mo pa kayang sabihing: "hindi ko alam yan, hindi ko kayang pag-aralan gamitin yan!"?



BiyaHERO CAF Patronato

"There is a BiyaHero in you!"

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page