Phase 2 on May 18 - ano ang mga maaaring gawin?
- BiyaHERO
- May 16, 2020
- 2 min read
Ayon kay Prime Minister Giuseppe Conte sa kanyang Press Conference ngayong alas 8 ng gabi, simula Lunes, May 18 ay sisimulan nang pumasok ng bansang Italya sa Phase 2: ang unti-unting pagsubok na "maibalik ang normal" na pamumuhay habang narito pa rin ang Covid19.

Anu-ano nga ba ang mga maaari na nating gawin simula sa araw na ito?
Hindi na kailangan ng Autocertificazione para sa paglabas, pagbibiyahe o pagpunta sa mga lugar SA LOOB NG REGION kung saan tayo ay residente ngunit kung lalabas ng rehiyon (para sa trabaho, emergency o health) ay kailangan pa rin ang autocertification na ito.
Pinapayagan na ang pakikipagkita sa mga kaibigan ngunit bawal pa rin ang parties sa loob man o sa labas ng bahay.
Bawal pa rin ang pagtitipon ng maraming tao.
Kailangang panatilihin pa rin ang minimum of 1-meter distance sa ibang tao.
Laging magdala ng mask at isuot ito sa mga sarado o mataong lugar.
Maaari nang magbukas ang mga retails stores, offices, beauty and health centers, restaurants, bars, pubs, pizzeria at mga negosyong katulad ng mga ito.
Maaari na ring mag-operate ang mga beach resorts.
Maaari nang idaos ang Banal na Misa ngunit ang Holy water ay ipamimigay sa maliliit na sanitized bottles. Bawal ang shaking of hands. Maaaring mag-receive ng communion gamit ang kamay.
Ang mga may sintomas ng Covid19 naman ay inaasahang maging responsable na ilayo o ihiwalay ang kanilang sarili sa iba upang maiwasan na ang pagkalat ng virus na ito.
Our offices serves STRICTLY ON APPOINTMENT BASIS ONLY. To reserve your spot, click to www.biyaheroservices.com/book-online.
For ONLINE SERVICES, send your requests to caf.raccolta@biyahero.it
Our office hours:
Monday to Friday 9.30 to 18.30
Saturday 9.30 to 17.30
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
BiyaHero "There is a BiyaHero in you!" © 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Hanggang kelan kaya itong bawal ang parties loob o labas ng bahay?