top of page
Search

PACCHETTO FAMIGLIA Regione Lombardia

Sa pamamagitan ng "Pacchetto Famiglia" ay nais ng pamunuan ng Regione Lombardia na mabigay ng tulong sa mga pamilyang nakakaranas ng problema dahil sa Covid19. Dalawa ang sakop nito:


1. kontribusyon para sa pagbabayad ng mutuo ng mga bahay na binili na hindi pinayagang i-suspend ng bangko

2. reimbursement sa mga teaching equipment for e-learning tulad ng tablet, computer o laptop


ree

PARA KANINO ITO?

Higit sa lahat, kinakailangang residente ng Regione Lombardia ang aplikante at may ganitong sitwasyon:


  • mga employees (operai, impiegati, dirigenti) na nabawasan ng atleast 20% sa kanilang sweldo; kailangan itong patunayan sa pamamagitan ng mga huling busta paga

  • free lancers at negosyante na nabawasan o nawalan ng kinikita dahil sa Covid19 crisis

  • mayroong ISEE na may halaga hanggang 30.000 euros

  • para sa contributo mutui prima casa: kailangang may anak na "sotto carico" hanggang 16 years old

  • para sa rcontributo e-learning: kailangang may anak "sotto carico" mula 6 hanggang 16 years old



ANO ANG MATATANGGAP?

  • contributo mutui prima casa: 500,00 euros sa bawat pamilya

  • contributo e-learning: 80% sa total na halaga ng nabiling e-learning material, hanggang 500,00 euros sa bawat pamilya (computer, laptop,tablet with camera and mic)


Posible ring magkaroon ng karagdagang tulong ang pamilya, sa pamamagitan ng Fattore Famiglia Lombardo, na nakabase sa mga sumusunod na sitwasyon:

  1. dami ng minor de edad na anak;

  2. resident ng Regione Lombardia nang hindi bababa sa 5 taon;

  3. may myembro ng pamilya na 65 years old o higit pa

  4. may myembro ng pamilya na buntis

  5. may myembro ng pamilya na may disability



KAILAN MAAARING MAG-APPLY?

Simula alas 12:00 ng May 4, 2020 hanggang alas 12.00 May 11, 2020 ay maaaaring magpasa ng request para sa Pacchetto Famiglia ng Regione Lombardia



ANONG MGA DOKUMENTO ANG DAPAT IHANDA?

  • carta d'identità at codice fiscale ng buong pamilya

  • ISEE na hanggang 30.000 euros ang halaga

  • Bank details (IBAN)

  • para sa contributo mutui prima casa, resibo ng pinagbayaran ng mutuo sa taong 2020 o certificate galing sa banko na may mutuo na binabayaran ang pamilya;

  • para sa contributo e-learning, fattura o ricevuta fiscale ng biniling gadget simula February 25, 2020



Kung nais humingi ng tulong MAAARI NANG MAG-SUBMIT NG MGA DOKUMENTO PARA DITO. Ipadala lamang ang mga nasabing dokumento sa:

SUBJECT: SURNAME NAME Pacchetto Famiglia + Cell no.


Clear copy, white background, pdf format (narito ang tutorial: https://www.youtube.com/watch?v=_14FZFC-VvA&t=6s)



Encourage your loved ones to REGISTER FOR FREE in our website para makatanggap din sila ng automatic updates tungkol sa mga pagbabagong nagaganap araw-araw at sa mga CAF Patronato services sa Italya.



BIYAHERO

"There is a BiyaHero in you!"

 
 
 

4 Comments


caf.raccolta
Apr 25, 2020

Yes po, pwede po kahit isang condition lang, pwede po :)

Like

e.nical
Apr 25, 2020

Ma’m kung isa o dalawa lang po sa mga siitwasyon ng aplikante ang nabanggit, makakapasa po ba? Salamat.

Like

e.nical
Apr 25, 2020

Ma’m kung isa o dalawa lang po sa mga siitwasyon ng aplikante ang nabanggit, makakapasa po ba? Salamat.

Like

e.nical
Apr 25, 2020

Ma’m kung isa o dalawa lang po sa mga siitwasyon ng aplikante ang nabanggit, makakapasa po ba? Salamat.

Like

+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page