top of page
Search

Naka-receive ng SMS galing sa Questura para sa appointment sa Permesso di Soggiorno?

Marami ang naka-receive ng SMS galing sa questura na ito ang nakasulat:

"A seguito del Decreto Legge n. 9 del 2 marzo, la Sua convocazione in Questura potrebbe essere rinviata e l'eventuale nuova data Le sarà comunicata con successivo sms. Prima di recarsi in Questura, consigliamo di consultare il Portale Immigrazione, autenticandosi con username e password, per verificare la data di convocazione."


Ano ang ibig sabihin nito?

"Ayon sa Decreto Legge n. 9 ng 2 Marso (ref. to Covid19), ang iyong appointment sa Punong-himpilan ng Pulisya ay maaaring ipagpaliban at anumang bagong petsa ay maiparating sa iyo sa pamamagitan ng isa pang SMS. Bago pumunta sa punong tanggapan ng pulisya, inirerekumenda namin ang pagkonsulta sa Portale Immigrazione, gamitin ang username at password, upang malaman kung may bagong appointment."



Ano ang dapat gawin?

Ang SMS na ito ang pagbibigay alam lamang na "maaaring" magbago ang araw ng appointment sa Questura para sa Permesso di Soggiorno, ibig sabihin ay hindi pa naman ito sigurado.


1. Maghintay ng bagong SMS galing sa Questura kung saan ay ipinapaalam ang bagong araw at oras ng appointment.


2. Kung hindi naman makaka-receive ng SMS na ito, ilang araw bago ng nakatakdang appointment ay kumonsulta muna online sa site na ito: https://www.portaleimmigrazione.it/ELI2ImmigrazioneWEB/Pagine/StartPage.aspx,

gamit ang tagliando/resibo ng Permesso di Soggiorno, isulat ang

USERNAME: user id

PASSWORD: password

at dito makikita kung nagbago ba ang araw at oras o nanatili pa rin ang orihinal.


3. Siguraduhing pumunta sa nakatakdang appointment.


4. Kung hindi kayang pumunta sa appointment na ito, pumunta pa rin sa Questura sa ibang araw upang alamin kung mabibigyan kayo agad ng bagong araw at oras o maghihintay muli ng bagong SMS.


Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, tumungo sa aming mga opisina o tumawag:


MILANO - Via Porpora 5 (near MM1 Loreto) - T. 02 3651 0421

PADOVA - Via Enrico Toti 3 (near Padova train station) - T. 049 729 2435


ree

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page