MUTUO CASA SUSPENSION: paano ito i-request?
- BiyaHERO
- Mar 16, 2020
- 2 min read
Ang pagbabayad sa bahay, binili man o inuupahan lamang ay isa sa pinakamalaking gastos ng bawat pamilya, buwan-buwan. Magandang balita para sa mga nakabili ng bahay: maaari nyo nang kausapin ang inyong bangko para sa pag-request ng sospension ng monthly payment para sa mutuo. Maaari itong hilingin hanggang May 31, 2020.

Para sa mga katanungan tungkol dito, maaari nyong i-like ang Facebook Page ng ACP: https://www.facebook.com/acegroupmilano/
Sila ay nag-oorganisa ng Live Video para magbigay ng latest information at sumagot sa pinakamabilis at simpleng paraan sa mga katunangan ng ating mga kababayan.
***
Samantalang ngayong araw na ito ay inaaasahang ilalabas na unti-unti ang mga impormasyon tungkol sa mga TULONG PINANSYAL na bubuksan para sa mga pamilya, negosyante, free lancers at medical staff upang matulungan ang lahat ng nangangailangan sa panahon ng krisis na ito.
Pinapayuhan na ihanda ang ISEE dahil ilan sa mga lalabas na bonus ay mangangailangan ng pruweba ng sitwasyong pinansyal ng pamilyang mangangailangan ng tulong.
Kung nais humingi ng tulong para sa ISEE, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:
1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures ng inyong mga dokumento:
Dokumento ng lahat ng kasamang kapamilya sa residence (carta d'identita, codice fiscale, permesso di soggiorno)
CUD 2019 Reddito 2018
Contratto di affitto con registrazione
Saldo e giacenza media banca/libretto di risparmio/ carta prepagata
Libretto della macchina
Particular cases: (Certificato di Invalidità, Iscrizione all'Università, Separazione)
2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:
Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30
Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30
3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message
4. Tumawag sa:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
sa office hours ng opisina.
Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.
Biyahero CAF Patronato
"There is always a BiyaHero for you!"






Comments