Modello Unico - sagot sa mga sulat na natanggap mula sa Agenzia delle Entrate
- BiyaHERO
- Feb 4, 2021
- 2 min read
written by BiyaHero Brean
Nagsimula nang magdatingan ang mga sulat mula sa Agenzia delle Entrate lalo na sa sektor ng lavoratori domestici kagaya ng COLF/badanti na karamihan ay hindi nagde-declare ng kanilang redditi sa pamamagitan ng Modello 730 o Unico.

Ang mga lavoratori sa nasabing sector ay hindi direktang kinakaltasan ng taxes mula sa kanilang sweldo kaya sila ay obligado na magdeclare gamit ang Modello 730 o UNICO kapag higit sa 8.000 euros ang kinikita yearly ngunit alam natin na ang karamihan ay hindi ito ginagawa.
Dahil sa crisis na nararanasan ngayon ng Italya dahil sa pandemya, ang Agenzia delle Entrate ay naglunsad ng malawakang pagkontrol sa mga trabahador na kumita ng higit sa 8.000 euros sa isang taon at hindi nag-declare ng kanilang kinita kaya't maaaring matanggap ng mga ito ang sulat galing sa nasabing ahensiya.
Ngunit huwag mag-alala dahil, katulad ng nakasaad sa sulat na natanggap o matatanggap, maaaring mag-apply ng Dichiarazione dei Redditi per le Persone Fisiche o ang tinatawag na Modello Unico upang maiayos ang iyong record. Tulad ng Dichiarazione 730, maaari ring isumite ang mga tax discounts ayon sa taong idinedeklara tulad ng famigliari a carico, bahay na binili o inuupahan, medical expenses at iba pa upang mabawasan ang mga taxes na dapat bayaran.
For more information upang maintindihan kung ano ang Modello 730 o Modello Unico, panoorin ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=paF9qlyFn4Y
Para sa libreng konsultasyon, maaaring tumawag sa BiyaHero CAF Patronato hotline numbers:
Milan - 351 5209992/ 366 5098458 Via Porpora 5 - near MM1 Loreto Padova - 328 4914825 Via Enrico Toti 3 - near FS Padova station
BiyaHero Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!" © 2021 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Comments