MANDATORY GREEN PASS SA TRABAHO
- BiyaHERO
- Oct 1, 2021
- 2 min read

Ang Decreto-Legge (Decree-Law) 21 September 2021, n.127 ay naglalaman "Urgent measures o madaliang hakbang upang tiyakin ang kaligtasan ng mga nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aplikasyon ng GREEN PASS para sa COVID-19 at ang pagpapatibay pa ng sistema ng screening nito".
Nakasaad dito na simula October 15 hanggang December 31 2021, ay magiging mandatory o obbligatorio na ang GREEN PASS para sa lahat ng mga manggagawa, kasama na rito ang mga lavoratori domestici kagaya ng mga colf, badanti, babysitter atbp.
Ang ibig sabihin nito ay simula October 15 2021, ang isang lavoratore na walang valid na GREEN PASS ay hindi na maaaring pumasok sa trabaho at sa kasamaang palad ay ikokonsidera itong ASSENZA INGIUSTIFICATA o UNJUSTIFIED ABSENCE o mas kilala natin sa tawag na AWOL. Hindi rin makakatanggap ang lavoratore ng anomang sweldo, at hindi mag ma-mature ang ferie, tredicesima at TFR nito.
Ang mga Datori di Lavoro o Employers na lalabag sa patakarang ito ay magmumulta ng hindi bababa sa €400 hanggang €1000.
Ang lavoratore naman na magpipilit pumasok sa trabaho ng walang valid na green pass ay mamumulta ng mula €600 hanggang €1500.
Hindi naman maaaring matanggal sa trabaho ang isang lavoratore dahil lamang sa kawalan ng green pass.
Sa kabilang banda, kailangan ding tandaan na may free right of withdrawal ang mga nasa domestic sector kaya maaari parin itong matanggal sa trabaho kahit walang specific na rason basta't masunod lamang ang giorni di preavviso na naaayon sa tipo ng kontrata na meron ito.
Para sa mga wala paring bakuna at nais ipagpatuloy ang pagtatrabaho ay kinakailangang magpa-TAMPONE (molecolari) kada 72 oras o kada 3 araw at babayaran niya ito mula sa sariling bulsa.
Hanggang ngayon ay hindi parin kinokonsidera na valid ang mga vaccine certificates mula sa mga bansa'ng hindi kasapi ng European Union kaya't hindi maaaring makapag request ng green pass ang mga may hawak nito.
*******************************
Para sa mga nais humingi ng assistance upang makakuha ng appointment para makapag-pabakuna ay maaaring sumadya sa pinakamalapit na Biyahero Office sa inyong lugar (preferably with appointment).
Dalhin ang mga sumusunod:
- Carta Identità
- Tessera Sanitaria
*******************************
For more information, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe via Whatsapp sa aming HOTLINE NUMBERS:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00
Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00
Bukas din ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia at hirap marating ang ating mga branches.
Maaring magpadala ng requests online:
VIA EMAIL sa CAF.RACCOLTABIYAHERO@GMAIL.COM
VIA WHATSAPP sa 351/5209992 (Mon-Fri 11am to 3pm)
********************************
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
*******************************************************
For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:
Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE
******************************************************
To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero
******************************************************
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved
Comments