Italy Lockdown extended until April 13
- BiyaHERO
- Apr 1, 2020
- 1 min read
Unti-unting bumababa ang dami ng mga taong nahahawa ng covid19 ngunit HINDI ibig sabihin ay nakalabas na tayo sa emergency period... Kung ito ay magtutuloy-tuloy, maaaring nalalapit na ang unti-unting paglabas natin sa krisis na ito... ika nga, "kaunting tiis pa!"
Ayon sa ating Prime MINISTER, Conte, tayo ay nasa PHASE 1 pa rin. Ibig sabihin ay patuloy pa rin nating susunduin ang mga paghihigpit na ipinatupad na simula nang buwan ng marso. Dahil dito ay in-extend ang lockdown hanggang sa April 13.
Tanong ng marami: magiging mas maluwag na ba mula April 14? Ang sagot: DIPENDE sa sitwasyon... Kaya't ipinapakiusap ng ating mga pinuno na patuloy nating sundin ang mga REGULASYON, LALO NA ANG HINDI PAGLABAS SA BAHAY kung hindi naman kailangang-kailangan upang maiwasan na bumalik muli tayo sa dating sitwasyon kung saan ay mabilis na dumarami at tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa covid19.
Kung sa mga susunod na araw ay patuloy na bubuti ang sitwasyon ng Italya, papasok tayo sa PHASE 2 kung saan ay magkakaroon ng mga regulasyon at unti unti nating ibabalik ang ating regular na pamumuhay nang may maigting pa rin na pag-iingat dahil hindi pa talaga mawawala agad ang epekto ng covid19.
Ang PHASE 3 naman ay panahon kung saan maaari na tayong lumabas sa emergency state at unti-unting babalik sa regular na pamumuhay.
Ang lahat ng ito ay mangyayari lamang kung lahat tayo ay makikipag-collaborate sa ating pamunuan.
Samantala, inaasahan na sa susunod na lingo ay malalaman natin kung ano ang mga pagbabagong dadalhin ng Decreto Aprile Cura Italia.








Comments