top of page
Search

ISEE - Bakit ito ang laging kailangan para sa pag-request ng Financial Aid sa Italya?

Ang ISEE o Indicatore della Situazione Economica Equivalente (Indicator of Equivalent Economic Situation) ay isang certificate kung saan nakikita ang approximated financial situation ng isang pamilya.


ree

Dahil sa ito ay isang dokumento kung saan makikita ang «financial capability» ng isang pamilya, isa ito sa mga pinagbabasehan upang masukat ang hangganan o requirements para sa approval ng mga Financial Help (sostegni al reddito) tulad ng Reddito di Cittadinanza, Bonus Bebe, Carta Acquisti, Bonus Luce/Gas at ganun na rin sa mga parating na Reddito di Emergenza, Bonus Vacanze at iba pa.


KAHIT NA SINONG residente ng Italya, trabahador o negosyante man ay maaaring mag-request nito. Pinapayuhan na laging mag-apply kung may miyembro ng pamilya na:

  • menor de edad,

  • senior aged (65 years old pataas)

  • differently abled,

  • walang trabaho,

  • mababa ang kita


Bakit 2018 documents ang ipinapasa para sa income at records ng financial assets?


Simula sa araw ng application para makuha ang ISEE, ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ay magsisimulang magkontrol upang malaman kung totoo ang idineklara. Magkakaroon ng pag-uugnayan sa records ng: INPS, INAIL, Agenzia delle Entrate, Guardia di Finanza at simula ngayong taon ay pati na rin sa ating mga banko. Mas magiging precise ang details na maibibigay ng mga ahensyang ito kung 2 YEARS BACKWARD ang pagbabasehan ng records. Ito ang dahilan kung bakit 2018 ang hinihinging records ngayong taong 2020.


Maaaring mag-request ng ISEE sa buong taon.


Patuloy pa rin ang aming services online. Just send your request to caf.raccolta@biyahero.it.


Bukas na ang aming mga opisina BUT STRICTLY BY APPOINTMENT BASIS ONLY! Para mag-reserve, click the link: https://www.biyaheroservices.com/book-online.



BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance

"There is a BiyaHero in you!" © 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page