top of page
Search

Inabot ng EXPIRATION NG PERMESSO DI SOGGIORNO sa PILIPINAS - ano ang dapat gawin?

Updated: Mar 19, 2020


Dahil sa mga na-cancel na flights nitong mga huling lingo at sa mga susunod na lingo pa ay may mga kababayan tayong nangangamba dahil aabutin ng expiration ang kanilang Permesso di Soggiorno habang nasa Pilipinas. Ano nga ba ang maaaring gawin para dito?

ree

1. Maghanap ng Notary Public (lawyer) sa Pilipinas (huwag pong basta-basta magpapagawa sa hindi registered and legitimate). Dalhin ang mga sumusunod:

  • identity documents tulad ng passport, driver's license, voter's ID

  • birth certificate at marriage contract (in case na nagpalit ng pangalan sa pagkadalaga) permit to stay

  • original plane tickets (na nagpapatunay ng tunay na araw na dapat bumalik sa Italya)

  • affidavit (sample form: http://legal-forms.philsite.net/general-affidavit.htm) kung saan ay isusulat ang dahilan kung bakit inabot ng pag-expire ang Permesso di Soggiorno: dahil sa cancellation ng flights due to Covid19 Pandemic

at ipa-notarize ang affidavit na ito. Pipirmahan ang form sa harap ng abogado at dapat ay may kasamang maaaring pumirma na testimony para dito (hindi ka-apelyido/kamag-anak).



2. Dalhin sa Italian Embassy ang notarized affidavit, birth certificate at marriage contract, permit to stay na expired, passport at original plane ticket at mag-request ng RE-ENTRY VISA.


* May grace period na 2 months after ng expiration para makapag-request ng re-entry visa.


***

Kung nais humingi ng tulong para sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan.


1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures ng inyong mga dokumento, details at isulat sa subject ang request.


2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:

  • Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30

  • Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30


3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato, Biyahero Travel and Tours srl, Biyahero Travel and Tours Padova at mag-send ng message


4. Tumawag sa

  • Milan - +39 366 5098460

  • Padova - +39 389 6365056

sa office hours ng opisina.


Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.


Biyahero CAF Patronato

"There is always a BiyaHero for you!"



 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page