top of page
Search

DOTE SCUOLA a.s. 2019-2020

Updated: Apr 22, 2020

Simula alas 12 ng April 7 hanggang alas 12 ng May 29, 2020 ay maaaring mag-apply para sa DOTE SCUOLA. Ito ay kontribusyong pinansyal galing sa gobyerno upang makabili ng mga libro, technological equipment, gamit sa pagtuturo o para sa state scholarship (borsa di studio). Layunin ng tulong na ito na mabigyan ng suporta ang mga pamilya para sa mga gastusin sa pag-aaral ng mga estudyante.


ree

Sino ang maaaring mag-apply dito?


- mga estudyanteng nakatira at may residensya sa Lombardia

- mga estudyanteng naka-enrol sa:

  • management courses (both education and vocational education and training),

  • first and second grade secondary schools (scuola media)

  • accredited training institutions

- may ISEE na hindi hihigit sa 15,748.78 euros - mga estudyante below 21 years old


Ano ang matatanggap?


Ang maaaring matanggap ay digital voucher na nagkakahalaga ng mula € 200 hanggang € 500 na nakadipende sa total budget ng Regione Lombardia at sa dami ng mga valid applications na nakalap. Kung sakaling sosobra ang dami ng mga request kumpara sa available budget, magkakaroon ng points evaluation na ibabase mula sa pinakamababang halaga ng ISEE.

Narito ang mga dokumentong kailangan:

- Carta d'identità at Codice Fiscale ng mga magulang at ng estudyante

- ISEE 2020

- Email Address, Cellphone no.

- Address

- Name of School and Grade Level


Kung nais humingi ng tulong para sa pag-aaply, magpadala lamang ng email sa caf.raccolta@biyahero.it, PDF format, clear and white background.

Isulat sa SUBJECT: surname name DOTE SCUOLA + cell no.


*To learn how to send PDF format documents through camscanner, watch this tutorial: https://www.youtube.com/watch?v=_14FZFC-VvA&t=19s



Biyahero CAF Patronato

"There is a BiyaHero in you!"

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page