INPS - Decreto "Cura Italia"
- BiyaHERO
- Mar 21, 2020
- 2 min read
Updated: Mar 23, 2020
Naghahanda ang INPS para i-implement ang mga tulong pinansyal na pinatupad buhat sa Decreto "Cura Italia". 10 bilyong euro ang nakalaan para sa tinatayang 11 milyong tao na maaaring matulungan sa pamamagitan ng:
- cassa integrazione: 9 weeks na hindi magtatrabaho, tuloy ang sweldo approx. 70-80%, tanging employer lamang ang maaaring mag-apply nito
- bonus babysitter: 600 euros voucher na maaaring i-apply sa INPS kung patuloy pa rin ang pagtatrabaho ng parehong magulang; Ito ay nasa start-up phase pa lamang para mabuksan ang application.
Ang Congedo Parentale at Legge 104 application naman ay bukas na. Tinatayang mahigit kumulang sa 100 thousand na ang mga work leave (congedo parentale) na naipasa simula March 5, 2020. Ito ang benefits sa pagkuha nito:
- congedo parentale: 15 days work leave at may 50% salary
- legge 104 extension for 12 days, para sa mga pamilyang may membro na invalid
Ang mga tulong pinansyal na ito ay nakalaan pa lamang sa mga "lavoratori dipendenti del settore privato" tulad ng mga operai, impiegati at operatori. Hindi pa kasama ang mga COLF/ badante dito. Sa ngayon ay ipinaglalaban ng mga asosasyon at sindacati ang karapatan ng mga taong nasa sektor na ito. Hinihiling na sa susunod na decree ay magbukas ng tulong na makakaabot sa lahat ng residente ng italya nang walang diskriminasyon.

***
Kung nais humingi ng tulong para sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:
1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures ng inyong mga dokumento, details at isulat sa subject ang request.
2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:
Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30
Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30
3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message
4. Tumawag sa:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
sa office hours ng opisina.
Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.
Biyahero CAF Patronato
"There is always a BiyaHero for you!"






Comments