Dichiarazione 730 - BiyaHero offices will accept until September 25, 2020
- BiyaHERO
- Sep 2, 2020
- 2 min read
Frequently Asked Questions:
Para saan nga ba ang Dichiarazione 730?
Ito ang pagde-deklara ng mga kinita sa nakaraang taon at pag-alam kung kailangang magbayad ng tax o makatanggap ng reimbursement na nakabase sa total amount na kinita.

Sino ang dapat na mag-declare through 730?
Lahat ng may sinahod sa nakaraang taon, maging impiegato, operaio, lavoratore domestico, lavoratore occasionale at may pension.
Magkano ang dapat na kinita para mag-apply dito?
Adviseable na gawin ito ng mga residente ng italya kung:
higit sa 8.000 euros ang total na kinita
higit sa 500 euros yearly ang kinita sa pinauupahang bahay o locale
higit sa 185,92 euros yearly ang kinita sa lupang pag-aari
higit sa 4.800 euros yearly ang kinita sa trabaho bilang autonomo
Kung mas mababa naman sa mga sumusunod ang kinita, pinapayuhan pa ring subukang magtanong sa inyong CAF na pinagkakatiwalaan para ma-evaluate kung talagang walang reimbursement na maaaring matanggap (tulad ng tax discount galing sa bahay na inuupahan).
Ano ang maaaring panggalingan ng tax discounts or reimbursements?
Bonus Renzi na ngayon ay naging Bonus Conte (dating 80 euros na naging 100 euros additional sa monthly salary na minsan ay hindi natatanggap lalo na ng mga nagtatrabaho bilang domestic helper)
famigliari a carico (anak, asawa o magulang na mababa ang reddito)
bahay na inuupahan
interest sa bahay na binili
family costs tulad ng school, medical, insurance, public transportation expenses at iba pa
Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa Modello 730, panoorin and video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=mGWHwaNbXIw
Para sa appointment, maaring tumawag sa aming CAF Patronato Hotline Number: 389 7653048
Available Monday to Friday, 9.30-13.00 14.00-18.00;
Saturday 9.30-13.00 14.00-17.00
or Email: caf.raccolta@biyahero.it
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Comments