top of page
Search

DELEGA 730 Precompilato - mahalaga para maiwasan ang maling income-tax declaration

Sa katapusan ng Abril ay magsisimula na ang Modello 730 income-tax declaration.

Para malaman ang mga importanteng impormasyon tungkol sa Modello 730, i-click lamang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Yh3ug3oEqrU&t=10s


Sa pamamagitan ng deklarasyon na ito ay hindi lamang maire-report ang ating mga kinita sa nakaraang taon ngunit pati na rin ang ating mga tax discounts.


Ngunit alam nyo ba na bago ang income-tax declaration through Modello 730 ay nagbibigay ng pagkakataon ang Agenzia delle Entrate upang ipakita kung ano ang records na meron sa kanilang sistema? Sa ganitong paraan ay mababawasan ang posibilidad ng mga maling deklarasyon dahil ating masisilip ang mga impormasyon tungkol sa total ng ating kinita at pati na rin ang mga expenses na maaaring maging tax discount.


Ito ay ang DELEGA 730 PRECOMPILATO.


ree

Mula sa salitang "precompilato" o pre-compiled, ang ibig sabihin ay kung tayo ay magbibigay ng authorization (delega) para kunin ito ay kukumpilahan ng agenzia delle entrate ang ating declaration nang naaayon sa mga information na dumating sa knila automatically tulad ng:

  • kinita bilang lavoratore dipendente

  • tax discount expenses

  • bahay na pag-aari at expenses dito

  • investments na kailangang i-declare

  • at iba pa

Bagaman ito ay galing sa agenzia delle entrate, hindi ibig sabihin ay perpekto na ang lalabas sa pre-compiled version na ito. Ang mga details na lalabas ay supporting information lamang na kailangan pa ring i-confirm sa pamamagitan ng mga dokumentong ating isu-submit sa oras na tayo ay mag-declare through Modello 730.


Ngunit bakit patuloy naming hinihikayat ang lahat na magpagawa ng Delega 730 precompilato? Malaki pa rin itong tulong upang maiwasan o mabawasan ang posibleng errors sa declaration. Malaking bagay na malaman natin kung ano ba ang mga impormasyong nakikita ng agenzia delle entrate upang mas sigurado tayo na hindi sobra o kulang ang ating ire-report.


Ano ang mga dokumentong kailangan para dito?

  • carta d'identita'

  • codice fiscale

  • Modello 730 2020

GOOD NEWS PARA SA MGA BIYAHEROS!!! Kung sa Biyahero ka nagpagawa ng Modello 730 last year, hindi mo na kailangang i-submit ang mga dokumentong ito. Magpadala lamang ng e-mail sa caf.raccoltabiyahero@gmail.com with email subject: SURNAME NAME + BIYAHERO AKO + 730 DELEGA


Para sa mga nais sumubok sa aming serbisyo, welcome po kayo! Here are our service options:


1. Onsite STRICTLY BY APPOINTMENT, just call to our hotlines:


Milan office - 366 5098458 Padova office - 389 6365056


2. BOOK directly ONLINE, click here: www.biyaheroservices.com/book-online


3. SEND your REQUEST ONLINE to caf.raccoltabiyahero@gmail.com

Email subject: SURNAME NAME + delega 730 + city + cell no.


* please send ONE email per request * possibly documents in pdf format, clear copy



"There is a BiyaHERO in you!"


Be a member of the BiyaHERO Club, gain points everytime you avail our products and services and get awesome prizes!!!


How to join? Click here: vqui.it/w/686UMQyH


BiyaHero Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance



Be guided with the latest news, subscribe to: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE


Remit money safely online: go.rewire.to/biyahero

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page