DECRETO MARZO "CURA ITALIA" 2020 - ano ang hatid nitong TULONG PINANSYAL?
- BiyaHERO
- Mar 16, 2020
- 2 min read
Sa Live Broadcast ng Italian Republic Prime Minister Giuseppe Conte, Italian Finance Minister, Roberto Gualtieri at Italian Labor and Social Politcs Minister, Nunzia Catalfo
(https://www.facebook.com/GiuseppeConte64/videos/1428698643966820/) ay ipinahayag na ang ilan sa mga ilalabas na financial help para sa mga residents ng Italya. Tinawag nila ang bagong decree na ito bilang DECRETO MARZO. Ito ay sa kadahilanang ang laman nito ay para maibsan ang mga "unang epekto" na dala ng Covid19 crisis sa bansa ngayong buwan ng Marso.
25 miliardi di euro na hinati-hati para sa suportahan ang iba't-ibang sistema: healthcare, mga pamilya, mga negosyante at mga nagtatrabaho na may particular na sitwasyon tulad ng mga free lancers. Sinabi ni Prime Minister Conte na alam nilang maaaring hindi sasapat ang mga tulong na ilalabas ngunit ito ay ang pinakamabilis na paraan para maibsan ang kahirapang nararanasan ng nakararami sa ngayon. Magkakaroon muli ng bagong decree sa Aprile na ibabatay sa kung ano ang magiging status ng bansa pagdating ng buwan na ito.

NARITO ANG MGA TULONG PINANSYAL PARA SA MGA PAMILYA:
Pagsuspendi pansamantala ng pagbabayad ng mga buwis at INPS contribution
Pagsuspendi ng mutuo/ bayaring loan sa bahay na binili
Cassa integrazione para sa mga negosyante
Congedo parentale/ work leave ng mga magulang para alagaan ang anak hanggang 15 days, t0% na sweldo
Voucher babysitter
100€ bonus para sa mga patuloy na nagtatrabaho sa labas ng bahay
Tulong pinansyal para sa mga ospital at distance-learning ng mga school
Ang araw ng pag-absent sa trabaho dahil sa quarantine ay iko-konsiderang malattia
Permesso Legge 104 para sa kapamilyang may recognition ng Invalidity, magiging 12 days sa buwan ng Marso at another 12 days sa buwan ng Aprile (na dati ay 3 lamang)
***
Para sa mga proseso ng pag-request ayon sa mga nabanggit na benefits, abangan ang aming automatic update through email. Sa ngayon ay isinasaayos at ina-update ang website ng mga sangay ng gobyerno para maisakatuparan ang mga ito.
Samantalang pinapayuhan na ihanda ang ISEE dahil ilan sa mga maaaring lalabas na bonus sa mga susunod na buwan ay mangangailangan ng pruweba ng sitwasyong pinansyal ng pamilyang mangangailangan ng tulong.
Kung nais humingi ng tulong para sa ISEE, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:
1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures ng inyong mga dokumento:
Dokumento ng lahat ng kasamang kapamilya sa residence (carta d'identita, codice fiscale, permesso di soggiorno)
CUD 2019 Reddito 2018
Contratto di affitto con registrazione
Saldo e giacenza media banca/libretto di risparmio/ carta prepagata
Libretto della macchina
Particular cases: (Certificato di Invalidità, Iscrizione all'Università, Separazione)
2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:
Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30
Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30
3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message
4. Tumawag sa:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
sa office hours ng opisina.
Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.
Biyahero CAF Patronato
"There is always a BiyaHero for you!"






Comments