COVID GREEN PASS ITALIA: Ano ito at paano ito nakukuha
- BiyaHERO
- May 5, 2021
- 2 min read
Kagaya ng matagal na nating napapanood at naririnig sa TV at Radio, malapit nang ma-introduce ang COVID GREEN PASS dito sa Italia. Inaasahan na ito ay magagamit na simula sa 3rd week ng May.

Ngunit ano nga ba talaga ito at ano ang importansya nito?
Marahil sa pangalan palang na GREEN PASS COVID ay may kaunting idea na tayo kung para saan ito.
Ang GREEN PASS ay naglalayong mabigyan ng mas malayang movimentazione ang mga taong naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 at upang matulungan din ang turismo na makapagsimula ulit in sicurezza lalo na't parating na ang summer season kung saan maraming mamamayan ang pumupunta sa iba't-ibang lugar para magbakasyon.
Maaari rin itong gamitin upang makalabas-pasok sa mga zone rosse at arancioni.
Ang nasabing pass ay maaaring i request sa mismong Medico di Famiglia/Base ng mga mamamayang nakakumpleto na ng dose ng bakuna (6 months validity mula sa araw ng pagkumpleto ng dose ng bakuna), mga gumaling na mula sa COVID-19 (6 months validity mula sa araw ng paggaling na nakadeclare sa certificato di guarigione), sa mga nakapagtampone o gumamit ng rapid test con esito negativo (48 hours validity mula sa araw ng test).
Ang pass ay required din sa mga minors na may 2 taong gulang pataas.
Inaasang sa buwan ng Hunyo ay maaari na ring magkaroon ng COVID GREEN PASS UE, para sa malayang pagpasok at paglabas ng mga mamayan sa European Union territory.
Maaari namang mag-establish ang bawat bansang miyembro ng UE ng mga karagdagang panuntunan para sa pagtanggap ng mga foreign nationals upang mas maprotektahan ang kani-kanyang teritoryo.
Ang GREEN PASS ay naglalayong bigyan ng mas magaan na buhay ang mga mamamayan at matulungang maibangon ang ekonomiya ng Italia, naglalayon din itong mas palakasin ang loob ng mga taong hindi pa kumbinsido sa pagpapabakuna.
Tandaan natin na ang mga bakuna, hindi lang para sa Covid-19, ay ginawa upang maprotektahan ang ating kalusugan mula sa mga nakakahawang sakit at maprotektahan na rin ang iba pang mamamayan lalo na ang mga soggetti deboli kagaya ng mga matatanda, disabili, mga may chronic diseases and comorbidities.
“vaccination is not, as a rule,
a moral obligation and that, therefore, it must be voluntary.
In any case, from the ethical point of view,
the morality of vaccination depends not only on the duty to protect one’s own health
but also on the duty to pursue the common good.”
-- cit. Pope Francis
Ang aming offices at online help-desk, ay bukas sa mga residente ng Lombardia na gustong kumuha ng appointment para sa vaccinazione.
Sa kasalukuyan, ang mga maaaring humingi ng appointments ay ang mga sumusunod:
- Over 60 anni (compresi i nati nel 1961)
- Soggetti estremamente vulnerabili
- Portatori di disabilità grave
- Soggetti di età 16-59 anni con esenzione per patologia (nati tra 1962 e il 2005)
For more information, maaaring tumawag sa aming HOTLINE NUMBERS: Milan - 366 5098458 Padova - 389 6365056 Online - 351 5209992 or send an email to caf.raccoltabiyahero@gmail.com Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00
Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00 BiyaHero Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance "There is a BiyaHero in you!" To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero © 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved
Comentários