top of page
Search

CONGEDO PARENTALE - pwede ring i-apply ng BACKDATED

No need to panic para sa application ng Congedo Parentale. Pwede rin itong i-apply ng backdated, ibig sabihin ay pwedeng ilagay ang starting date kahit ito ay nakalipas na (simula nung March 5, 2020).



Ano ang Congedo Parentale na hatid ng Decreto Marzo "Cura Italia"?


Ito ay work leave para sa mga may anak na hanggang below 12 years old. Maaaring humingi sa trabaho ng Congedo Parentale with maximum 15 DAYS na pwedeng hatiin ng bawat magulang. 50% ng halaga ng sahod ang matatanggap habang nasa congedo parentale na ito. Ngunit ito ay pwede lamang i-request kung:

  • may trabaho at operatibo ang parehong magulang

  • walang natatanggap sa disoccupazione, cassa integrazione o reddito di cittadinanza ang isa o parehong magulang

Isa lamang at hindi pwedeng sabay na mag-apply ang mag-asawa.


Para naman sa may mga anak na disabled ay walang limit ng age para makuha ito.


Sa mga magulang na may mga anak na 12 to 16 years old, maaari pa rin itong hilingin ngunit walang sweldo na matatanggap habang nasa congedo parentale na ito. Ngunit masisigurado na hindi matatanggal sa trabaho.


Ito ay para sa mga nagtatrabaho sa private sector, mga nakalista sa gestione separata e free lancer na nakalista sa Inps.


Ito ang mga dokumentong kailangan para dito:

  • Carta d'identita at codice fiscale ng parehong magulang

  • Busta Paga ng kumpanya kung saan nagtatrabaho

  • SPID/ Codice INPS kung mayroon


ree

***

Kung nais humingi ng tulong para sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:


1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures ng inyong mga dokumento, details at isulat sa subject ang request.


2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:

  • Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30

  • Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30


3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message


4. Tumawag sa:

  • Milan - 366 5098458

  • Padova - 389 6365056

sa office hours ng opisina.


Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.


Biyahero CAF Patronato

"There is always a BiyaHero for you!"



 
 
 

4 Comments


caf.raccolta
Mar 26, 2020

Hello Ma'am Janice Cuasay! Sa case po ninyo, kung regular po ang inyong work contract, kailangan pong may usapan kayo ng amo kung ano ang gagamiting reason ng inyong "forced absence" sa trabaho. Usually po ay ginagamit ang ferie o permessi retribuiti para ang sahod po ay magtuloy pa rin. Kung ubos na po ang mga resources na ito ay permessi non retribuiti na po ang gagamitin pero wla na pong sweldong matatanggap dito.

Like

caf.raccolta
Mar 26, 2020

Hello Sir Diezel Malig! Kung kayo po ay operaio or impiegato at pareho kayong nagtatrabaho ngayong mag-asawa, pwede po.

Like

Janice Cuasay
Mar 23, 2020

Ako po ay nagtatrabaho bilang COLF. May isang anak na 13 taong gulang at mag-isa lang bumubuhay sa kanya. May contratto at kumpleto ang dokumento. Noong March 12 nagsimula akong di papasukin ng amo dahil sa corona virus. May communication naman kami ng amo ko at sabi nya tatawag na lang sya kung kailan ako pwedeng pumasok. Però di ko po alam kung may sweldo o buo ba ang sweldo kong matataggap ngayong March gayong wala pang kalahati ng buwan ang ipinasok


Ano po bang maiipayo nyo?

Pasok ba ako sa pag-apply ng any help from

Maraming salamat.


Like

Diezel Malig
Diezel Malig
Mar 20, 2020

Pede ba akong mag apply nito? -Jerom malig

Like

+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page