CONGEDO PARENTALE hanggang 15 days
- BiyaHERO
- Mar 17, 2020
- 2 min read
Updated: Mar 28, 2020
Para sa mga may anak na hanggang below 12 years old, maaaring humingi sa trabaho ng Congedo Parentale or work leave with maximum 15 DAYS na pwedeng hatiin ng bawat magulang. 50% ng halaga ng sahod ang matatanggap habang nasa congedo parentale na ito.
Para naman sa may mga anak na disabled ay walang limit ng age para makuha ito.
Sa mga magulang na may mga anak na 12 to 16 years old, maaari pa rin itong hilingin ngunit walang sweldo na matatanggap habang nasa congedo parentale na ito. Ngunit masisigurado na hindi matatanggal sa trabaho.
Ito ay para sa mga nagtatrabaho sa private sector (operai, impiegati, operatori, dirigenti), mga nakalista sa gestione separata e free lancer na nakalista sa Inps.
(Batid po namin ang mga "reklamo at hinaing" ng mga nagtatrabaho bilang COLF/Badante. Alam po namin na hindi makatarungang wala man lang benefits na isinaad sa Decreto "Cura Italia" na inilabas nitong buwan ng Marso para sa mga domestici. Sa ngayon ay isinusulong ng mga sindacati na magkaroon rin ng tulong para sa sektor na ito. Inaasahan na sa paglabas ng bagong decreto sa buwan ng Abril ay magkaroon na ng batas na makakatulong sa lahat ng nangangailangan.)

Ang mga dokumentong kailangan dito ay ang mga sumusunod:
Carta d'identità at codice fiscale ng parehong magulang at ng anak
SPID/ Codice INPS (kung mayroon)
Date of request
Address, Email add, Cell no.
***
Kung nais humingi ng tulong para sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan:
1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures ng inyong mga dokumento, details at isulat sa subject ang request.
2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:
Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30
Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30
3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message
4. Tumawag sa:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
sa office hours ng opisina.
Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.
Biyahero CAF Patronato
"There is always a BiyaHero for you!"






Un asawa ko kasi s bologna ng wo2rk operiao sya dun ng bblak n sya umuwe dito s podova dis coming thursday anu b dpt sbhn nia s datore di lavor nia? Share ko to s knya pra mpbsa nia s mga coworkers nia pare2ho kc sila ng problem. Ty..
Yes po :)
Approve n po b to? Klngan nmn mg asawa to eh...