top of page
Search

COMUNE DI MILANO: Sostegno al Reddito (SaR)


ree

Pwede na ulit mag apply ng Sostegno al Reddito (SaR) ang mga residente ng Comune di Milano, nag open ito noong lunes June 21, 2021 at matatapos naman alas 12:00 ng July 22, 2021.


Ang SaR ay para sa mga pamilyang kasalukuyang nakakaranas ng economic difficulties.

Hinati ang SaR sa iba't ibang categories na tinawag ng Comune na "MISURE":


  • MISURA 1 - mga pamilyang may atleast isang myembro na minor

  • MISURA 2 - mga pamilyang binubuo ng 1 o higit pang myembro na puro adults na may edad 18 to 64, walang minor na carico at walang disabilities na naka declare sa ISEE 2021.

  • MISURA 3 - mga pamilyang binubuo ng 1 o higit pang mga adults, walang minors na carico at walang seniors na may edad 65 pataas, atleast isa sa mga ito ay may disabilità na naideclare sa ISEE 2021.

  • MISURA 4 - pamilyang walang minor na myembro ngunit may atleast isang senior na may edad 65 pataas.


Makakakuha ng hanggang 2000 euros ang mga maaaprubahan nito. Ang nasabing SaR ay idi-divide sa 2 rate na may interval period na 6 months mula sa unang rata. Kinakailangan ding pumirma ng mga beneficiaries sa PROGETTO PERSONALIZZATO DI PRESA IN CARICO na inihanda ng dipartimento ng Social Services ng Milan kung saan kinakailangang sundin ang mga programang nakasaad dito upang makuha ang pangalawang rata ng nasabing sostegno.


POINT SYSTEM naman ang magiging basehan sa pag apruba ng SaR, ang mga maaaprubahan ngunit hindi aabot sa allocated budget ay maaari parin namang makakuha kapag nagkaroon ng re-financing para dito.


REQUIREMENTS:

- ISEE 2021 na hindi hihigit sa 6,000 euros

- Carta identità + Codice Fiscale ng richiedente (front and back)

- Complete address

- Numero di Cellulare + Email

- IBAN intestato sa richiedente (NO libretti postali)


HINDI COMPATIBLE ANG SAR:

- sa mga pamilyang may myembro na beneficiary ng Reddito di Cittadinanza (RdC)

- mga residente ng Milano na wala pang 1 taon ang residenza mula noong June 21, 2021.



*****

For more information, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe via Whatsapp sa aming HOTLINE NUMBERS:

Milan - 366 5098458

Padova - 389 6365056


Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00

Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00


SUBMISSION OF DOCUMENTS IN BIYAHERO OFFICES UNTIL JULY 21, 2021 (last day of submission for Comune di Milano July 22, 2021 @ 12 noon).


Pinapayuhan ang lahat na magpabook ng appointment (preferably atleast 3 days before) para masigurado ang inyong slot at hindi maabutan ng scadenza ng domanda.


*****

Bukas din ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia at hirap marating ang ating mga branches.


Maaring magpadala ng requests

VIA WHATSAPP sa 351/5209992 (Mon-Fri 11am to 3pm)


BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance


"There is a BiyaHero in you!"


For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:

Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE


To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero



© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved


 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page