COLF/ Badante - hindi pa kasama sa benefits na inilabas ng gobyerno
- BiyaHERO
- Mar 18, 2020
- 2 min read
Sa dami ng nalabas na iba't-ibang mga balita, patuloy na naguguluhan ang mga tao sa kung ano ang dapat gawin, lalung-lalo na sa kanilang mga trabaho. Gayun na rin kung paano mababayaran lahat ng bills ngayong katapusan at sa mga susunod na buwan. May ibang namomroblema na sa budget para sa pagkain.
Sa mga huling lumabas na batas ng Decreto Marzo "Cura Italia", mapapansin na wala pang nabanggit na benefits ang maibibigay sa ngayon para sa mga COLF/Badante. Dahil dito, ang mga sindacato na nasa panig ng sektor na ito ay ipinaglalaban ang karapatan ng mga taong ito ang kabuhayan upang magkaroon din ng tulong mula sa gobyerno.
Ang unang Decreto na lumabas ay sinasabing "pangunang aksyon" lamang at inaasahan na may mga lalabas pang mga kasunod na mas tunay na makakabuti sa karamihan.

Samantala, habang naghihintay sa maaring tulong na matatanggap ay ito ang ipinapayo sa mga employer at trabahador na COLF/badante:
Para sa naka stay-in/fissa, pwedeng lumabas ang COLF/badante ngunit sa necessary at emergency cases lamang, dala ang form ng "Autodichiarazione per gli spostamenti" (www.colf.info/modulo-autodichiarazione-17.3.2020.ministero.pdf) at may suot na maskara at gloves, kailangan ding maging maingat na hindi lumapit sa iba at pmunta sa matataong lugar, pati na rin sa pag-kontrol ng temperature ng katawan. Dahil sa paglimita ng paglabas na ito ay mapipilitang hindi gamitin ang 1 araw na day-off sa bawat lingo.
Para sa HINDI naka stay-in/fissa, kailangang magkaroon ng maayos na agreement with employer kung hindi muna papasukin sa trabaho hangga't hindi natatapos ang emergency period na ito. Ngunti dapat ay regular na bayaran pa rin ang COLF/badante para sa mga araw na hindi ito makakapasok. Ang employer naman ay maaaring gamitin ang ferie/permessi retribuiti na naipon o maiipon pa lamang. Kung ubos na ang mga "work leave" na ito, maaari ding gamitin ang permessi non retribuiti kung saan ay hindi na makakatanggap ng sweldo ngunit hindi pwedeng maalis sa trabaho. Siguraduhing may KASULATAN na pirmado ng bawat parte kung sakaling ito ang mapipiling solusyon sa mga araw na hindi makakatrabaho.
***
Kung nais humingi ng tulong para sa mga dokumento, bukas ang aming SERVICE ONLINE, maaari kayong mamili sa mga sumusunod na paraan.
1. Magpadala ng email sa caf.raccolta@biyahero.it at ipadala ang MALINAW na pictures ng inyong mga dokumento, details at isulat sa subject ang request.
2. Mag-register at mag chat online sa aming website: www.biyaheroservices.com sa mga sumusunod na office hours:
Lunes hanggang Biyernes - mula 9.30 hanggang 18.30
Sabado - mula 9.30 hanggang 17.30
3. I-like ang aming Facebook Page: Biyahero CAF Patronato at mag-send ng message
4. Tumawag sa:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
sa office hours ng opisina.
Feel FREE TO SHARE ang aming website: www.biyaheroservices.com sa inyong mga kapamilya, kaibigan at kakilala at irekomenda na sila ay mag-register upang makatanggap din sila ng automatic update tungkol sa imigrasyon, CAF at Patronato.
Biyahero CAF Patronato
"There is always a BiyaHero for you!"






Comments