top of page
Search

Cittadinanza Italiana - paano mag apply nito?

Iba't-iba ang mga dahilan kung bakit marami ang mga kababayan natin at maging ang mga ibang lahi ang gustong maging Italian Citizen.


Ang pinakauna sa listahan ay dahil sa gastos sa pagrerenew ng Permit to Stay at napakahigpit na burukrasya nito. May mga iba naman na talagang gusto nang dito manirahan kasama ng pamilya. Mayroon ding iba na gustong magkaroon ng EU PASSPORT upang makapasyal o makapagtrabaho sa iba't ibang bansa.

Anuman ang dahilan ng ating kagustuhan na maging Italian Citizen, kailangan nating tandaan na ito ay may kaakibat na obligasyon, pagsunod sa batas at patakaran, paggalang sa isa't-isa para sa maayos at matiwasay na pamumuhay.


May iba't -ibang pamamaraan upang makuha ang status na Cittadino Italiano ngunit para sa ating mga immigrants dito sa Italya, ang pinakamadalas na posibilidad ay sa pamamagitan ng:

  • by marriage

  • by residence,


REQUEST BY MARRIAGE


Ito ay nakalaan para sa asawa ng isang Italian citizen at mula sa araw ng kanilang legal na kasal ay naninirahan na sa teritoryo ng Italya nang hindi bababa sa dalawang taon.


Ang terminong ito ay mababawasan ng kalahati kung magkakaroon sila ng anak, natural man o inampon.



REQUEST BY RESIDENCE

  • minimum of 3 years residence ng isang estranghero na may magulang o kapamilyang ipinanganak bilang Italyano (up to second grade)

  • minimum of 5 years residence ng isang estranghero simula sa pagkakaampon dito ng isang Italyano

  • minimum of 4 years residence ng isang EU citizen

  • minimum of 5 years residence ng isang estrangherong refugee/stateless person (apolide)

  • minimum of 5 years residence ng isang estrangherong may magulang na naging Italyano (art.9 lett.b)

  • minimum of 10 years residence ng isang estrangherong nagtatrabaho sa Italya

Para sa Italian citizenship request by residence, bago magsimulang asikasuhin ang mga dokumento ay pinapayuhang kontrolin muna ang inyong status upang malaman kung malaki ang posibilidad ng approval nito:

  1. Alamin kung sapat ang inyong kinita ng huling 3 taon: hindi dapat ito bababa sa annual limit na more or less 8,263 euros para sa nag iisa lang sa pamilya o 11,362 euros para sa may carico na asawa at karagdagang 516 euros sa bawat anak na carico.

  2. Alamin kung sapat na ang taon ng residensya sa Italya: kontrolin kung regular ang residence record sa inyong comune (maaaring kumuha ng certificato di residenza storica)

  3. Alamin kung kailangan pang mag-test ng B1 level: sa ngayon, para sa mga may permesso di soggiorno di lungo periodo (o kilala sa tawag carta soggiorno) ay hindi na ito kailangan dahil na rin sa nakapasa na sa A2 level test. Hindi naman kinakailangan na magpresenta ng anumang certificate kung ang applicant ay dito nakapagtapos ng scuola superiore/università, sapat na ang kopya ng diploma.


Gaano katagal ang hihintayin para sa approval nito?

Maaaring tumagal ang proseso ng 2-3 taon ayon sa umiiral na batas.


Para sa kumpletong detalye, maaaring kumuha ng apuntamento, tumawag lamang sa BiyaHero CAF Patronato hotline numbers:


Milan - 351 5209992/ 366 5098458

Via Porpora 5 - near MM1 Loreto


Padova - 328 4914825

Via Enrico Toti 3 - near FS Padova station

BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance


"There is a BiyaHero in you!"



© 2021 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Комментарии


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page