CHRISTMAS CASHBACK ITALIA - December 8 to 31, 2020
- BiyaHERO
- Dec 5, 2020
- 2 min read
Isa sa mga patuloy na isinusulong ng gobyerno ng Italia sa mga mamamayan nito ay ang paggamit ng digital payments (debit/credit card or app) sa pamimili. Ang pangunahing layunin nito ay upang mas maging epektibo ang pagmo-monitor sa perang umiikot sa bansa at sa buong Europa at maiwasan ang maaaring pagsustento sa mga hindi legal na transaksyon.
Dahil sa dumating na Covid19 na nagdala ng matinding krisis sa ekonomiya ng bansa ay sinusubukan rin ng gobyerno na suportahan ang mga negosyong nalulugi sa pamamagitan ng proyektong ito kaya inulunsad ang "Christmas Bonus - cashback Italy". Ito ay refund hanggang 10% (max 150 euros) para sa mga bibilhin sa peryodo ng December 8-31 na gamit ang debit/credit cards at App.

Paano nga ba makukuha ang benepisyong ito?
kailangang mag-register sa IO App (na ginamit na rin noong Bonus Vacanza) gamit ang SPID access (para sa activation, maaaring pumunta sa aming mga opisina dala ang valid carta d'identita' at tessera sanitaria) at ilagay ang impormasyon ng debit/credit card na gagamitin sa pamimili
tanging sa mga negosyong pisikal (hindi online) lamang maaaring gamitin ito
may minimum na 10 transactions para ma-avail ito
Automatic ang generation ng refund nito at maaari itong matanggap sa February 2021 sa pamamagitan ng details na ilalagay sa IO App.
Kasama sa "Cashless Italia" project sa darating na taong 2021 ang 300 euros of cashback, 3000 euros of super cashback at Lotteria degli Scontrini.
Kung nais magpatulong o kumuha ng appointment, maaaring tumawag sa aming HOTLINE NUMBERS:
Milan - 366 5098458
Padova: 389 6365056
Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00
Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Comments