top of page
Search

BUONO SPESA IN MILAN, APPLICATION IS NOW OPEN!

Updated: Apr 7, 2020

Dahil sa flooding inquiries and documents processing na aming nare-receive ngayon, ipinapaalam po namin na sa kasalukuyan ay CLOSE NA PO ANG SLOTS NAMIN TO ASSIST FOR BUONO SPESA MILANO. Salamat po sa inyong pang-unawa! Narito naman ang mga impormasyon para dito:


Bukas na ang application online para sa pag-request ng BUONO SPESA sa comune ng Milano.

Tinatayang € 5.848.892,68 ang budget para sa Ordinansyang ito (n. 658 29/03/2020 Capo del Dipartimento della Protezione Civile).


Ang mga impormasyong nakasaad ay GALING MISMO SA SITE NG COMUNE DI MILANO - narito ang Italian version: https://www.comune.milano.it/web/milanoaiuta/buoni-spesa.

ree

ANO ANG MGA DOKUMENTONG KAILANGANG IHANDA KUNG MAGPAPATULONG SA PATRONATO PARA SA PAG-FILL UP?


- Carta d'identità ng buong pamilya

- Codice Fiscale ng buong pamilya

- CUD 2019 reddito 2018 OR ISEE 2020 ng buong pamilya (sa mga dokumentong ito makikita ang reddito ng 2018)

- Huling bank statement ng BUONG PAMILYA na may report para sa March 31, 2020

- Certificato di Invalidità (kung meron)

- Contratto di Mutuo o Contratto di Affitto registrato

- Lettera di Licenziamento o Cessazione Rapporto di lavoro con motivo licenziamento



Narito ang mga kondisyon na vine-verify online para sa approval:

a) confirmed residence in Milan municipality on the date of application

b) may ganitong kondisyon ang tinitirahang bahay:

  • binili ang bahay at tuloy ang pagbabayad ng rate sa mutuo

  • nirerentahan ang bahay at may hawak na rehistradong kontrata ng affitto


c) may ganitong kondisyon sa trabaho:

  1. inalis sa trabaho (licenziamento) dahil sa covid-19 simula noong February 1, 2020;

  2. pamilyang may isang myembro lang ang kumikita

  3. pamilyang walang kahit anong income ngayon


d)   may ganitong sitwasyon ng income:

  1. ang kabuuang kinita ng buong pamilya noong taong 2018 ay hindi hihigit sa € 20.000;

  2. ang kabuuang kinita ng buong pamilya noong taong 2018 ay mula € 20.000,01 hanggang € 40.000,00 at nawalan ng trabaho isang myembro simula noong February 1, 2020

***Makikita ang mga datos na ito sa ISEE 2020 o sa CUD 2019 reddito 2018


Kung ang kabuuang kita ng buong pamilya noong taong 2018 ay higit sa € 40.000, HINDI MAAARING MAG-APPLY ANG PAMILYA PARA SA BUONO SPESA!!!

e)   ang kabuuang laman ng bangko ng lahat ng myembro ng pamilya ay hindi hihigit sa € 5.000,00 as of March 31, 2020.


HANGGANG KAILANGAN PWEDENG MAG-APPLY NITO? Maaring mag-submit ng request online simula April 6, 2020 ng 9.00 hanggang April 13, 2020.



PAANO MAG-APPLY PARA DITO?

1. Mag-apply online sa link na ito: https://comunemilanohd2.elixforms.it/covid19/index.html 


2. Tumawag sa 020202 ung saan ang operator ang tutulong upang ma-fill up ang online request.


ATTENTION: MAGKO-KONTROL ANG COMUNE DI MILANO UPANG MALAMAN KUNG TOTOO ANG MGA DECLARED INFORMATION NA ISINULAT ONLINE OR IBINIGAY SA OPERATOR.


Kung madidiskubre ng Comune di Milano na mali ang declaration na ginawa, hindi maa-approve ang request na ito (sulla base della dichiarazione non veritiera, ai sensi dell’art. 75 del DPR 445/2000).

Tandaan na ang mga FALSE DECLARATION ay maaaring maparusahan ayon sa Codice Penale e delle leggi speciali in materia (art. 76 DPR 445/2000) ng Batas ng Italya.


*Tanging online lamang o pagtawag sa 020202 ang dalawang paraan upang makapag-apply dito.


*Isa lamang sa bawat pamilya ang maaaring gawing application.


*Kung sakaling sosobra ang mga application, magkakaron ng "points-system" kung saan uunahin ang mga pamilyang may ganitong sitwasyon:


  1. marami ang menor de edad na walang kita;

  2. marami ang senior aged (64 years old pataas) na walang kita;

  3. presensya ng kapamilyang may confirmed recognition of disability;

  4. mahirap na sitwasyon sa trabaho (nawalan o nabawasan ng malaking kita);

  5. mga pamilyang kumita noong 2018 nang hindi hihigit sa € 40.000,00;

  6. walang pangalawang ari-arian sa italya (bukod sa bahay na tinitirahan);

  7. mga hindi nakakatanggap ng Reddito di Cittadinanza o anumang tulong pinansyal mula sa Direzione Politiche Sociali del Comune di Milano.


MAGKANO ANG MAKUKUHA?

Para sa mga pamilyang may 3 myembro: € 150,00 kada buwan ng Abril at Mayo

Para sa mga pamilyang higit sa 3 ang myembro: hanggang € 350,00 kada buwan ng Abril at Mayo


Matatanggap ang CONFIRMATION THROUGH EMAIL o tawag mula sa 020202.



PAANO ITO MAKUKUHA?

  1. kailangang mag download ng application sa smartphone

  2. sa pamamagitan ng PREPAID CARD na sila ang magbibigay (ibibigay ang impormasyon kung saan ito kukunin once na ma-approve ang application)


Kailangang sa online or by phone application pa lamang ay mamili na kung ano ang paraan ng pagkuha na inyong nais.


Sa mga susunod na araw ay ipa-publish at listahan ng mga negosyo kung saan maaaring gamitin ang buoni spesa na ito.

 
 
 

1 Comment


Shirly Pitogo
Shirly Pitogo
Apr 08, 2020

D naman ho ma open ang pagkuha ng modulo naka bloccato Sila try Lang naman ho kung makaka pag fill up kaso ayaw ho e

Like

+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page