top of page
Search

BONUS VACANZE 2020 – para sa mga pamilyang may ISEE nang hindi hihigit sa 40.000

Updated: Jun 29, 2020

Dala ng “Decreto Rilancio Italia” ang Tax Credit vacanze o ang tinatawag nating “Bonus Vacanze”. Ito ay tulong para maiangat ang sektor ng turismo sa bansa at mahikayat ang mga pamilya na magbakasyon ngayong taon sa loob ng Italya sa kabila ng pandemyang patuloy pa rin nating nilalampasan. Ang bonus na ito ay maaaring umabot hanggang 500 euros at maaari itong gamitin simula July 1 hanggang December 31, 2020.


ree

Ano ang mga kailangan para makakuha nito?

- ISEE na hindi hihigit sa 40.000

- SPID access (kung nais magpagawa ng SPID as fast as 5 mins, maaaring kumuha ng appointment by calling to our Caf Patronato hotline number: 389 7653048)

- IO app na kailangang i-download sa inyong smartphone

(To know how to download, click this link: https://us02web.zoom.us/rec/share/x8Z-H7DR2DpJc5GK-BDFU_Z5Eobueaa8hnMc__YKmRtE7pU02X4YqDyq_SXsueB6 and insiert this password: 9K#xE146)



Maaaring gamitin ang bonus na ito sa loob lamang ng bansang Italya. Pwede ring hindi buong pamilya ang sumama sa bakasyon at kung hindi makakasama ang mismong nag-request nito ay hindi naman magkakaroon ng problema. Isang miyembro lamang ng pamilya ang maaaring mag-request nito. Isang beses lamang ito maaaring gamitin sa bawat reservation. Kung mas mababa sa halaga ng bonus ang dapat bayaran, hindi na maaaring ma-reimburse ang excess value nito.

Magkano ang maaaring matanggap?

Ito ay naka-base sa family composition:

  • 3 or more family members: 500 euros

  • 2 family members: 300 euros

  • 1 family member: 150 euros

Paano ito gagamitin?

Ang bonus ay ibibigay through voucher na gagamiting pambayad sa hotel, camping site, bed and breakfast, villaggio or agriturismo. Ang 80% ng bonus ay magiging direct automatic discount sa total na babayaran at ang 20% naman ay magiging tax discount sa susunod na Declaration of Income and Taxes for 2021 o ang tinatawag na Modello 730.


Halimbawa: Kung ang total na amount of reservation ay 1.000 euros at ang bonus na natanggap ay worth 500 euros, ang 400 euros (80% of 500 euros) ay magiging immediate discount sa total na babayaran kaya magiging 600 euros na lang ang babayaran sa hotel; ang natitirang 100 euros naman (20% ng 500 euros) ay makukuhang tax discount sa Dichiarazione 730 2021.


Importanteng makuha ang electronic invoice o fattura elettronica mula sa hotel, camping site, bed and breakfast, villaggio or agriturismo. Kailangang itago ito para maipakita sa panahon ng tax discount declaration sa taong 2021.

Magagamit ang bonus na ito directly or through legit travel agencies and tour operators. Hindi ito maaaring gamitin sa ibang online reservation website.

Simula July 1, 2020 ay maari nang mag-request nito.Para sa assistance, maaaring kumuha ng appointment sa aming mga offices through:

CAF Patronato Hotline Number: 389 7653048

Available Monday to Friday, 9.30-13.00 14.00-18.00; Saturday 9.30-13.00 14.00-17.00



BiyaHero Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance "There is a BiyaHero in you!" © 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page