BONUS 1000 EURO PARA SA MGA COLF AT BADANTI
- BiyaHERO
- May 24, 2020
- 2 min read
Updated: Jun 19, 2020
Kagaya ng nauna ng ibinalita at kalaunan ay inaprubahan at naisabatas sa bagong decree na tinawag na DECRETO RILANCIO ITALIA, ang tulong na ipinangakong maibibigay sa mga colf at badanti...
Ito ay ang 1000 euro na financial assistance (500 para sa buwan ng April at 500 sa buwan ng May) para sa domestic sector na isa sa mga lubhang naapektuhan ng pandemia, na sa kasamaang palad ay hindi naisama sa paunang decree na inilabas noong March.
Ang isang colf/badante ay maaring magrequest ng nasabing bonus kung:
✔️HINDI naka STAY-IN sa bahay ng amo
✔️may atleast 11 hours a week na nakadeclare na oras ng trabaho
✔️may regular ng kontrata na napirmahan at na-denuncia sa INPS officially hanggang noong February 23, 2020.

Hindi naman maaaring mag apply kung ang colf/badante o kahit isa sa mga myembro ng kanyang pamilya ay nakatanggap o nakakatanggap na ng mga sumusunod:
✖️ tulong pinansyal na nakapaloob sa Decreto Cura Italia, kagaya na lamang ng cassa integrazione, bonus 600 sa mga mga partita iva, at para sa ibang mga sector na lubhang naapektuhan ng lockdown
✖️Reddito di Emergenza o REM
✖️Disoccupazione
✖️May reddito da lavoro dipendente a tempo indeterminato na hindi kasama sa domestic sector at nakatanggap o natanggap ng sweldo sa cassa integrazione
✖️Pension, maliban na lamang kung ito ay sa invalidità
➕Ang colf/badante ay maaari namang mag apply ng bonus kahit siya o isa sa mga myembro ng pamilya ay nakakatanggap ng Reddito di Cittadinanza (RdC) basta't ito'y hindi hihigit sa 500 euro. Ngunit sa kasong ito ay hindi ibibigay ng buo ang 1000 (500 para sa buwan ng April +500 para sa buwan ng May), pupunuan lamang ang natatanggap ng RDC upang ito'y umabot sa 500 euro na siyang maximum na maaring makuha ng bawat pamilya.
Example:
Si Maria ay isang colf, at ang kanyang asawang si Pedro na walang trabaho ay nakakatanggap na ng RdC na nagkakahalaga ng 350 euro, kung magaapply si Maria ng bonus colf ay makakatanggap na lamang siya ng 150 euro
350 euro mula sa Rdc + 150 euro mula sa Bonus Colf = 500 euro
Kung nais kumuha ng appointment, tumawag lamang sa aming Biyahero CAF Patronato Hotline: 3897653048 during office hours:
Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00
Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Comments