top of page
Search

BANDO CASA 2021 - COMUNE DI MILANO

Bukas na ang application sa BANDO CASA (Case popolari) sa Comune ng Milano at magtatapos ito alas 12:00 ng June 8, 2021.

Tintayang nasa 599 na bahay ang agad na maaaring maapprove at matirahan ng mga mapalad na mapipili.

ree

Ano ba ang ibig sabihin ng case popolari?

Ang mga tinatawag nating case popolari ay mga bahay na pag-aari ng comune/regione/stato na ipinapagamit sa mga pamilyang mabababa ang reddito o may mga mahirap na socio-economic condition. Ang mga ito ay "ipapaupa" sa mga pamilyang mapipili sa napakababang halaga. (usually from €20 to €100 monthly - dipende sa kakayahan ng pamilyang maninirahan dito)


Paano mag apply nito?

Ang application ay kinakailangang ipasa sa mismong Comune o Regione di Residenza o kaya naman maaari din sa Comune o Regione kung saan ka nagtratrabaho (dipende sa criteria ng bando).

POINT SYSTEM ang paraan ng pagpili sa mga pamilyang mabibigyan ng murang pabahay. Ang mga puntos na ito ay magbabase sa:

- Reddito

- kung ilan ang myembro ng pamilya

- edad ng mga myembro ng pamilya

- mga single parents

- mga walang source of income

- mga naka "sfratto" dahil sa kahirapan

- bilang ng taon ng residenza sa nasabing Comune o Regione

- mga myembro ng pamilya na may disabilities.


Gaano katagal ang ibibigay na contrata?

Kadalasan ay hindi ito binibigyan ng scadenza, ngunit mula noong 2016 ay naglabas ng legge regionale ang Lombardia na naglalayong i-assess periodically ang ang estado ng bahay, kung ito ba ay maayos at hindi naaabuso ng mga nakatira dito, at pati narin ang reddito ng pamilya.

Mula sa nasabing assessment, maaaring bawiin ng ente ang nasabing pabahay.


Samantala, hindi naman maaaring mag apply ang mga pamilyang may mga pag-aari o kaya naman ay may "diritti reali di godimento" sa mga istrukturang maaaring magamit na tirahan.

Hindi rin maaaring mag apply ang mga nabigyan na ng pahabay ng nakaraang 5 taon, ang mga may naging utang sa mga pabahay ng gobyerno (kung nakalipas na ang 5 taon, kailangang may patunay na bayad na ang mga pagkakautang bago makapag apply ulit ang isang pamilya).

Kasama din sa mga hindi maaaring mag apply ang mga nagkaroon ng record ng nakaraang 5 taon ng "occupazione abusiva di alloggio", pagkaraan ng 5 taon ay maaari lamang mag apply kung nabayaran na ang lahat ng mga nasirang kagamitan mula sa pag okupa ng naturang istruktura o mga naging spese sa pagpapaalis sa mga ito.



SUBMISSION OF DOCUMENTS IN BIYAHERO OFFICES UNTIL JUNE 7, 2021 (last day of submission for Comune di Milano June 8, 2021 - 12:00 noon)

Bukas ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia.

Maaring magpadala ng requests VIA EMAIL sa CAF.RACCOLTABIYAHERO@GMAIL.COM


Ipadala ang mga sumusunod na requirements (preferably in PDF format):

  • Carta Identità ng applicant (front and back)

  • Permesso di soggiorno ng applicant (front and back)

  • Codice Fiscale / Tessera Sanitaria ng lahat ng family members (front and back)

  • Indirizzo di residenza + cp number + email

  • ISEE 2021

  • marca da bollo da €16,00

*****

For more information, maaaring tumawag sa aming HOTLINE NUMBERS:


Milan - 366 5098458

Padova - 389 6365056

Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00

Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00


Online - 351 5209992 (Mon-Fri: 11:00 to 15:00)

or send a message via whatsapp or email to caf.raccoltabiyahero@gmail.com




BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance


"There is a BiyaHero in you!"


For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:

Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE


To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero



© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved


 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page