BAGONG SCADENZA NG REDDITO DI EMERGENZA 2021
- BiyaHERO
- Apr 28, 2021
- 3 min read
Updated: Jun 14, 2021
Nauna nang ideneklara ng INPS na ang pag-apply ng REDDITO DI EMERGENZA na tulong pinansyal ng gobyerno para sa mga pamilyang dumaranas ng difficoltà economica, ay hanggang katapusan na lamang ng May 2021, ngunit ang INPS ay nagpublish ng bagong scadenza, ito ay magiging open hanggang July 31,2021.
Narito ang simple at mabilis na paraan para malaman kung pasok ka sa bagong Reddito di Emergenza o REM:
✔️Kung residente ng Italya
✔️Kung may ISEE 2021 na hindi tataas sa 15.000 euros (o 30.000 kung ang dahilan ng pagtaas ng isee ay dahil sa mga natanggap na sostegni al reddito kagaya ng NAspi)
✔️Kung ang financial assets (bank or paper assets) ay less than 10.000 euros kung mag-isa lang (15.000 euros kung 2 sa pamilya; 20.000 euros Kung 3 miyembro pataas).
✔️Kung ang TOTAL ng SWELDO ng LAHAT ng family members na natanggap noong FEBRUARY 2021 ay hindi tataas sa mga amount na nasa tabella. (nakadipende ito sa kung ilan kayo sa pamilya, ilan ang adults at minors, at mga may invalidità).

1 adult: 400 euros
1 adult + 1 minor: 480 euros
2 adults OR 1 adult + 2 minors: 560 euros
2 adults + 1 minor OR 1 adult + 3 minors: 640 euros
2 adults + 2 minors: 720 euros
3 adults OR MORE: 800 euros
3 adults (na may 1 invalid member) + 3 minors: 840 euros
Ang tabella na ito ay hindi lang para malaman kung ikaw ay eligible o hindi, ito rin ang paraan upang malaman kung magkano ang iyong makukuha kung ang inyong REM request ay maaprubahan.
For example:
ang isang pamilyang binubuo ng 2 adults + 2 minors, upang makakuha ng REM ay kinakailangang hindi tataas sa 720 euros ang TOTAL na sinweldo ng lahat ng mga family members noong February 2021, kapag naapprobahan ang kanilang domanda ay makakatanggap din sila ng 720 euros na tulong para sa buwan ng March, April at May 2021.
Maaari mo ring panoorin ang vlog tungkol sa REM ng ating BiyaHERO Raga na si Chad, just click here: https://www.youtube.com/watch?v=BSz8RS6Ihb0&t=706s
GOOD NEWS!!!
Salamat sa Decreto Sostegni, mas maraming pamilya ang magkakaroon ng access sa bagong tulong na ito ng gobyerno ng Italia.
Ang maximum na sweldo na nakasulat sa tabella ay maari pang tumaas kung ang pamilyang nag a-apply nito ay nakatira sa isang bahay na kanya lang nirerentahan.
Ang maximum na reddito ay tataas base sa monthly na rental fee, na nakadeclare sa ISEE 2021 ng applicant.
For example:
ang isang pamilyang binubuo ng 2 adults + 2 minors, upang makakuha ng REM ay kinakailangang hindi tataas sa 720 euros ang TOTAL na sinweldo ng lahat ng mga family members noong February 2021, kung sila ay hindi nagrerenta ng tirahan.
Kung sila naman ay may monthly na affitto na 350 euros (dapat nakadeclare ito sa ISEE), ang magiging maximum na sweldo ay hindi nalang 720 kundi 1,070 euros (720 maximum na sweldo + 350 affitto).
Ibig sabihin nito ay mas tataas ang kanilang posibilidad na makapag-apply ng nasabing financial assistance.
Tumaas man ang maximum na sweldo, ay 720 euros parin ang matatanggap na tulong para sa buwan ng March, April at May 2021 alinsunod sa orihinal na tabella.
Ang REM po ay HINDI COMPATIBLE sa may kapamilyang tumanggap o tumatanggap ng:
- bonus para sa may partita IVA, free lancers at seasonal contract
- cassa integrazione
- pensione diretta o indiretta (except assegno ordinario di invalidità)
- reddito/pensione di cittadinanza
SUBMISSION OF DOCUMENTS IN BIYAHERO OFFICES UNTIL MAY 28, 2021 (last day of submission for INPS May 30 2021)
Bukas ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia.
Maaring magpadala ng requests VIA EMAIL sa CAF.RACCOLTABIYAHERO@GMAIL.COM
Ipadala ang mga sumusunod na requirements:
Carta Identità
Codice Fiscale / Tessera Sanitaria
Indirizzo di residenza + cp number + email
Amount of salary (bustapaga) na natanggap ng buong pamilya noong February 2021
IBAN
ISEE 2021
Contratto di affitto (if applicable)
*****
For more information, maaaring tumawag sa aming HOTLINE NUMBERS:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
Online - 351 5209992 or send an email to caf.raccoltabiyahero@gmail.com
Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00
Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:
Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE
To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Comments