top of page
Search

Bagong Reddito di Emergenza: July 1 to 31, 2021


ree

Ayon sa isang comunicato ng INPS na inilathala kahapon June 15, 2021 ay magkakaroon ng bagong Reddito di Emergenza (REM) para sa mga buwan ng June, July, August at September.

Ang application nito ay magsisimula sa July 1 hanngang 31 at ang mga maaaprubahan ay makakatanggap ng €400 hanggang €800 (dipende sa family composition) para sa mga buwan na nabanggit sa itaas.


Narito ang simple at mabilis na paraan para malaman kung pasok ka sa bagong Reddito di Emergenza o REM:


✔️Kung residente ng Italya

✔️Kung may ISEE 2021 na hindi tataas sa 15.000 euros (o 30.000 kung ang dahilan ng pagtaas ng isee ay dahil sa mga natanggap na sostegni al reddito kagaya ng NAspi)

✔️Kung ang financial assets (bank or paper assets) ay mas mababa sa 10.000 euros kung mag-isa lang (15.000 euros kung 2 sa pamilya; 20.000 euros Kung 3 miyembro pataas).

✔️Kung ang TOTAL ng SWELDO ng LAHAT ng family members na natanggap noong APRIL 2021 ay hindi tataas sa mga amount na nasa tabella. (nakadipende ito sa kung ilan kayo sa pamilya, ilan ang adults at minors, at mga may invalidità).


1 adult: 400 euros

1 adult + 1 minor: 480 euros

2 adults OR 1 adult + 2 minors: 560 euros

2 adults + 1 minor OR 1 adult + 3 minors: 640 euros

2 adults + 2 minors: 720 euros

3 adults OR MORE: 800 euros

3 adults (na may 1 invalid member) + 3 minors: 840 euros


Ang tabella na ito ay hindi lang para malaman kung ikaw ay eligible o hindi, ito rin ang paraan upang malaman kung magkano ang iyong makukuha kung ang inyong REM request ay maaprubahan.

EXAMPLE NG CALCOLO PARA SA MGA HINDI NAKA AFFITTO:

ang isang pamilyang binubuo ng 2 adults + 2 minors, upang makakuha ng REM ay kinakailangang hindi tataas sa 720 euros ang TOTAL na sinweldo ng lahat ng mga family members noong APRIL 2021, kapag naaprubahan ang kanilang domanda ay makakatanggap din sila ng 720 euros na tulong para sa mga buwan ng June, July, August, September 2021.


GOOD NEWS!!!

Salamat sa Decreto Sostegni, mas maraming pamilya ang magkakaroon ng access sa bagong tulong na ito ng gobyerno ng Italia.

Ang maximum na sweldo na nakasulat sa tabella ay maari pang tumaas kung ang pamilyang nag a-apply nito ay nakatira sa isang bahay na kanya lang nirerentahan.

Ang maximum na reddito ay tataas base sa monthly na rental fee, na nakadeclare sa ISEE 2021 ng applicant.


EXAMPLE NG CALCOLO PARA SA MGA NAKA "AFFITTO":

ang isang pamilyang binubuo ng 2 adults + 2 minors, upang makakuha ng REM ay kinakailangang HINDI TATAAS sa 720 euros ang TOTAL na sinweldo ng LAHAT ng mga family members noong APRIL 2021, KUNG SILA AY HINDI NAGRERENTA NG TIRAHAN.

Kung sila naman ay may monthly na affitto, (for example) na 350 euros (dapat nakadeclare ito sa ISEE), ang magiging maximum na sweldo ay hindi nalang 720 kundi magiging 1070 (720 maximum na sweldo + 350 monthly na affitto)

Ibig sabihin nito ay mas tataas ang kanilang posibilidad na makapag-apply ng nasabing financial assistance.

Tumaas man ang maximum na sweldo, ay 720 euros parin ang matatanggap na tulong para sa buwan ng June, July, August at September alinsunod sa orihinal na tabella.


Ang REM po ay HINDI COMPATIBLE sa may kapamilyang tumanggap o tumatanggap ng:


- bonus para sa may partita IVA, free lancers at seasonal contract

- cassa integrazione

- pensione diretta o indiretta (except assegno ordinario di invalidità)

- reddito/pensione di cittadinanza


SUBMISSION OF DOCUMENTS IN BIYAHERO OFFICES UNTIL JULY 30, 2021 (last day of submission for INPS July 31 2021).

Pinapayuhan ang lahat na tumawag muna sa aming office at humingi ng appointment (preferably 1 week before) upang masigurado ang inyong slot at hindi maabutan ng scadenza ng domanda.


Dalhin ang mga sumusunod na requirements:

  • Carta Identità

  • Codice Fiscale / Tessera Sanitaria

  • Indirizzo di residenza + cp number + email

  • Amount of salary (bustapaga) na natanggap ng buong pamilya noong April 2021

  • IBAN

  • DSU at ISEE 2021

  • Contratto di affitto (if applicable)

*****

For more information, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe via Whatsapp sa aming HOTLINE NUMBERS:

Milan - 366 5098458

Padova - 389 6365056


Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00

Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00


Bukas din ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia at hirap marating ang ating mga branches.

Maaring magpadala ng requests

VIA WHATSAPP sa 351/5209992 (Mon-Fri 11am to 3pm)


BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance


"There is a BiyaHero in you!"


For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:

Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE


To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero



© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page