top of page
Search

"Autodichiarazione per gli spostamenti" na dapat ipakita in case of control, ano nga ba ito?

Updated: Mar 12, 2020

Ayon sa Press Conference na ginanap ng gabi ng March 9, 2020 with the Italian Republic Prime Minister, Giuseppe Conte, extended na ang sinasabing "lockdown" sa BUONG BANSA NG ITALYA.


Nananawagan ang ating mga leaders na sundin ang panawagang #ioRestoaCasa na ibig sabihin ay manatili tayo sa ating mga bahay hanggat maaari. Ito ay para limitahan ang pagpasok at paglabas, na noon ay para sa Lombardia lamang at ilang mga lungsod, na ngayon ay pinalawak na sa buong Italya. Ang mga balidong motibo lamang ng paglabas sa bahay na maaaring payagan ay:


- kung para ito sa trabaho

- kung para ito sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pamimili ng mga pagkain at gamot

- kung para ito sa kalusugan


Para mapatibay ang restriction na ito ay Ministero dell'Interno - Pubblica Sicurezza na ang mamamahala dito (ref. https://www.interno.gov.it/it/notizie/controlli-nelle-aree-contenimento-rafforzato-direttiva-ministro-lamorgese-prefetti).


Maaaring magkaroon ng mga kontrol ngayon sa daan, pampubliko at pribadong sasakyan at hahanapin ang "Autodichiarazione per gli spostamenti" na dapat ay ating nakumpilahan na at isa-submit sa pulis na nagkontrol. Kailangan din itong i-fill up ng mga aalis at darating sa bansa. Dito ay isusulat natin ang ating mga impormasyon, lugar kung saan galing, saan dumaan at saan papunta.


Kung sinuman ang hindi susunod sa regolamentong ito at ang magdedeklara ng maling impormasyon ay may kaukulang penalty ayon sa dpcm 8 marzo 2020 (articolo 650 del codice penale: inosservanza di un provvedimento di un’autorità).


Narito ang sinasabing modulo di autodichiarazione per gli spostamenti:


ree

 
 
 

Comments


+39 366 509 8458

Via Padova 2, 20127 Milano

©2020 by Biyahero CAF Patronato

bottom of page